Mag-link ng folder mula sa serbisyo ng cloud storage sa iyong Workplace group

Tulong para sa Computer
Dapat admin ka ng group para mag-link dito ng folder mula sa serbisyo ng cloud storage.
Pwede kang mag-link sa iyong Workplace group ng mga folder mula sa mga serbisyo ng cloud storage, hangga't na-enable ang mga ito ng admin ng Workplace.
Pwede kang mag-link ng higit sa isang folder mula sa serbisyo ng cloud storage (halimbawa: 2 folder mula sa Google Drive). Pwede ka ring mag-link ng mga folder mula sa iba't ibang serbisyo ng cloud storage (halimbawa: 1 folder mula sa Dropbox at 1 folder mula sa Microsoft OneDrive).
Para mag-link ng folder sa iyong Workplace group mula sa serbisyo ng cloud storage:
  1. Sa iyong group, i-click ang Mga File at Media na tab. Maaaring kailangan mong i-click ang Higit pa para makita ito.
  2. I-click ang I-link ang folder.
    • Kung nakapag-link ka na ng kahit 1 folder, i-click ang Magdagdag at pagkatapos ay I-link ang folder.
  3. Piliin kung mula sa aling serbisyo ng cloud storage mo gustong mag-link ng folder.
  4. Piliin ang folder na gusto mong i-link.
  5. I-click ang I-link ang folder.
Ano ang mangyayari kapag nag-link ka ng folder?
  • Ang folder at ang lahat ng file na nakalagay rito ay mapupunta na sa Mga File at Media na tab.
  • Hindi awtomatikong nagbibigay ng access dito ang pag-link ng folder para sa lahat ng member ng group. Para magbigay ng access sa mga tao, kakailanganin mong gawin ito nang direkta sa folder ng serbisyo ng cloud storage.
  • Kapag nag-share ang mga tao ng link sa isang file o folder mula sa serbisyo ng cloud storage, susubukan ng Workplace na mag-render ng preview ng file o dokumento. Para sa content na hindi nakikita ng lahat sa iyong organisasyon, hihilingin sa mga tao na ikonekta ang kanilang Workplace account sa serbisyo ng cloud storage para matukoy ng Workplace kung may pahintulot silang tingnan ang content.
  • Makikita mo ang mga pinakabagong na-update na file sa folder mula sa panel sa kanan ng homepage ng iyong group.
Para mag-unlink sa iyong Workplace group ng folder mula sa serbisyo ng cloud storage:
  1. I-click ang Mga File at Media na tab sa iyong group. Maaaring kailangan mong i-click ang Higit pa para makita ito.
  2. I-click ang More sa tabi ng iyong naka-link na folder.
  3. I-click ang I-unlink ang folder.
  4. I-click ang Kumpirmahin.
Hindi inaalis ng pag-unlink ng folder ang access sa folder na mayroon ang mga member ng group. Kung gusto mong alisin ang access sa folder ng member ng group, kakailanganin mong gawin ito nang direkta sa folder ng serbisyo ng cloud storage.

Nakatulong ba ito?

Oo
Hindi