Mga Tuntunin ng Serbisyo ng workplace


GINAGARANTIYA AT KINAKATAWAN MO NA IKAW AY PUMAPASOK SA MGA TUNTUNIN SA ONLINE NG WORKPLACE (“KASUNDUAN”) SA NGALAN NG ISANG KUMPANYA O NG IBANG LEGAL NA ENTITY, AT NA MAYROON KANG GANAP NA AWTORIDAD NA MAPAILALIM ANG NASABING ENTITY SA KASUNDUANG ITO. ANG MGA KASUNOD NA PAGBANGGIT SA “IYO”, “IYONG” O “CUSTOMER” AY NANGANGAHULUGAN SA NASABING ENTITY.
Kung ang pangunahing lugar ng negosyo mo ay nasa U.S. o Canada, ang Kasunduan na ito ay isang kasunduan sa pagitan mo at ng Meta Platforms, Inc. Kung hindi man, ang Kasunduan na ito ay kasunduan sa pagitan mo at ng Meta Platforms Ireland Ltd. Ang mga pagbanggit sa “Meta”, “amin”, “kami”, o “namin” ay nangangahulugan sa alinman sa Meta Platforms, Inc. o Meta Platforms Ireland Ltd, ayon sa naaangkop.
Ang mga sumusunod na tuntunin ay dapat naaangkop sa iyong paggamit ng Workplace. Tinatanggap mo na ang mga feature at functionality ng Workplace ay maaaring mag-iba, at maaaring magbago sa katagalan.
Ang ilang salita na nakasulat sa malaking letra ay tinukoy sa Seksyon 12 (Mga Depinisyon) at ang iba ay tinukoy ang kontekso sa Kasunduan na ito.
  1. Paggamit ng Workplace
    1. Ang Iyong Mga Karapatan sa Paggamit. Sa panahon ng Termino, mayroon kang non-exclusive, hindi naililipat, hindi maaaring i-sublicense na karapatan para ma-access at magamit ang Workplace nang alinsunod sa Kasunduan na ito. Ang paggamit ng Workplace ay limitado sa Mga User (kasama ang, kung saan naaangkop, mga Affiliate mo) na ie-enable mo ang mga account, at ikaw ang responsable para sa lahat ng User at ang kanilang pag-comply sa Kasunduan na ito at ang kanilang access sa, at paggamit ng Workplace. Bilang paglilinaw, ibinibigay ang Workplace bilang serbisyo sa iyo, hindi sa Mga User nang magkakahiwalay.
    2. Mga Account. Ang iyong impormasyon sa pag-register at admin account ay dapat tama, kumpleto at pinapanatiling up-to-date. Ang mga user account ay para sa mga indibiduwal na User at hindi maaaring ibahagi o ilipat. Dapat mong panatilihing kumpidensyal ang lahat ng login credential at sumang-ayon na abisuhan kaagad ang Meta kung may malalaman kang anumang hindi awtorisadong paggamit ng iyong mga account o mga login credential.
    3. Mga Paghihigpit. Hindi mo (at hindi mo papayagan ang sinumang iba na): (a) gamitin ang Workplace sa ngalan ng anumang third party o pauupahan, ipapaarkila, bibigyan ng access sa o isa-sublicense ang Workplace sa anumang third party, maliban sa Mga User gaya ng pinahihintulutan dito; (b) i-reverse engineer, i-decompile, i-disassemble, o kaya ay hangaring makuha ang source code sa Workplace, maliban sa lawak na malinaw na pinahihintulutan ng naaangkop na batas (at kapag mayroon lang paunang abiso sa Meta); (c) kopyahin, baguhin o gumawa ng mga derivative work ng Workplace; (d) alisin, baguhin o itago ang anumang pag-aari o iba pang mga abisong nakapaloob sa Workplace; o (e) ipakalat sa publiko ang teknikal na impormasyon tungkol sa performance ng Workplace.
    4. Setup. Sa pag-set up ng iyong Workplace instance, magtatalaga ka ng isa o higit pang (Mga) User bilang (mga) system administrator ng iyong Workplace community na responsable para sa pagma-manage ng iyong Workplace instance. Dapat mong tiyakin na mayroon kang kahit isang active na system administrator para sa iyong Workplace instance sa lahat ng pagkakataon.
    5. Workplace API. Sa panahon ng Termino, maaaring gawing available ng Meta sa iyo ang isa o higit pang (Mga) Workplace API, para ikaw ay makabuo at magamit ang mga serbisyo at application na karagdagan sa iyong paggamit ng Workplace. Ang anumang paggamit mo, ng iyong Mga User, o ng anumang third party ng (Mga) Workplace API sa ngalan mo ay dapat pamahalaan ng naaangkop na mga probisyon ng Mga Tuntunin ng Workplace Platform, na kasalukuyang available sa workplace.com/legal/WorkplacePlatformPolicy, ayon sa binabago ng Meta paminsan-minsan.
    6. Suporta. Magbibigay kami sa iyo ng suporta ng Workplace sa pamamagitan ng direktang support tab sa Workplace admin panel (“Direct Support Channel”). Maaari kang mag-submit ng support request para masagot ang isang tanong, o mag-report ng isyu, kaugnay sa Workplace, sa pamamagitan ng paggawa ng ticket sa pamamagitan ng Direct Support Channel (“Support Ticket”). Magbibigay kami ng inisyal na tugon sa bawat Support Ticket sa loob ng 24 na oras mula sa oras nang matanggap mo ang email confirmation na valid na nagawa ang iyong Support Ticket sa pamamagitan ng Direct Support Channel.
  2. Ang Iyong Data at Mga Obligation
    1. Ang Iyong Data. Sa ilalim ng Kasunduan na ito:
      1. mapapanatili mo ang lahat ng karapatan, title at interes (kasama ang intellectual property rights) sa at sa Iyong Data;
      2. sa Termino, binibigyan mo ang Meta ng non-exclusive, pandaigdigan, royalty-free, ganap na nabayarang karapatan na gamitin ang Iyong Data para lang ibigay ang Workplace (at kaugnay na suporta) sa iyo, alinsunod sa Kasunduan na ito; at
      3. tinatanggap mo na ang Meta ay ang data processor at na ikaw ang data controller ng Iyong Data, at sa pagpasok sa Kasunduan na ito sinasabihan mo ang Meta na iproseso ang Iyong Data sa ngalan mo, para lang sa mga layuning tinukoy sa Kasunduan na ito at nang alinsunod sa Kasunduan na ito (kasama ang Addendum sa Pagpoproseso ng Data).
    2. Ang Iyong Mga Obligation. Sumasang-ayon ka (a) na ikaw lang ang responsable para sa kawastuhan at content ng Iyong Data; (b) na makuha ang lahat ng kinakailangang karapatan at pahintulot na hinihiling ng Mga Batas mula sa iyong Mga User at sa anumang naaangkop na third party para pahintulutan ang pangongolekta at paggamit ng Iyong Data gaya ng isinaalang-alang sa Kasunduan na ito; at (c) na ang paggamit mo ng Workplace, kasama ang Iyong Data a paggamit nito dito, ay hindi lalabag sa anumang Batas o mga karapatan ng third party, kasama ang mga karapatan sa intellectual property, privacy o publicity. Kung ang alinman sa Iyong Data ay isa-submit o gagamitin nang lumalabag sa Seksyon 2 na ito, sumasang-ayon kang alisin kaagad ito sa Workplace. Ikaw lang ang responsable para sa anumang desisyon na ibahagi ang Iyong Data sa Mga User o sa anumang mga third party, at hindi responsable ang Meta para sa paggamit, pag-access, pagbago, pamamahagi o pag-delete ng Iyong Data kung kanino mo o ng iyong Mga User ito gagawing available.
    3. Ipinagbabawal na Data. Sumasang-ayon kang hindi i-submit sa Workplace ang anumang impormasyon o data na sumasailalim sa proteksyon at/o mga limitasyon sa pamamahagi alinsunod sa mga naaangkop na batas at/o regulasyon (“Ipinagbabawal na Impormasyon”). Kaugnay sa impormasyon ng kalusugan, tinatanggap mo na ang Meta ay hindi isang Business Associate o subcontractor (dahil ang mga tuntunin na iyon ay tinukoy sa Health Insurance and Accountability Act (“HIPAA”)) at ang Workplace ay hindi HIPAA compliant. Walang magiging pananagutan ang Meta sa ilalim ng Kasunduan na ito para sa Ipinagbabawal na Impormasyon, kahit na magkakaroon ng anumang sasalungat dito.
    4. Pagbabayad-pinsala. Ipagtatanggol, babayaran ang pinsala at hindi pananagutin ang Meta (at ang mga Affiliate nito at ang kani-kanilang mga direktor, officer, empleyado, agent, at mga kinatawan) mula sa at laban sa lahat ng claim (mula sa mga third party at/o Mga User), mga gastos, pinsala, pananagutan at mga gastos (kasama ang makatwirang mga bayad sa mga abugado) na magreresulta sa o na may kaugnayan sa iyong paglabag o sinasabing paglabag ng Seksyon 2 na ito o kaya ay may kaugnayan sa Iyong Data, Iyong Mga Patakaran o paggamit ng Workplace na lumalabag sa Kasunduan na ito. Maaaring lumahok ang Meta sa pagdepensa at settlement ng anumang nasabing claim kasama ng sarili nitong counsel at sa sarili nitong gastos. Hindi mo dapat ayusin ang anumang claim nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng Meta kung ang settlement ay kakailangan ng anumang aksyon ng Meta, iwasang gumawa ng anumang aksyon, o akuin ang anumang pananagutan.
    5. Mga Pag-back up at Pag-delete ng Data. Ang Meta ay hindi nagbibigay ng serbisyo sa pag-archive, at ikaw lang ang responsable sa paggawa ng mga backup ng Iyong Data. Maaari mong i-delete ang Iyong Data na may User content sa anumang oras sa panahon ng termino sa pamamagitan ng system administrator functionality ng Workplace.
    6. Pinagsama-samang Data. Sa ilalim ng Kasunduan na ito, maaari ka ring gumawa ng pinagsama-samang statistical at analytical data na nakuha mula sa iyong paggamit ng Workplace (“Pinagsama-samang Data”), ngunit hindi kasama sa Pinagsama-samang Data ang Iyong Data o ang anumang personal na data.
  3. Seguridad ng Data
    1. Seguridad ng Iyong Data. Gagamit kami ng naaangkop na teknikal, pang-organisasyon at mga panseguridad na hakbang na dinisenyo para maprotektahan ang Iyong Data na nasa amin laban sa walang pahintulot na pag-access, pagbago, pag-disclose o pagsira, gaya ng higit pang inilarawan sa Addendum ng Seguridad ng Data.
    2. Mga Legal Disclosure at Mga Third Party Request. Ikaw ang pangkalahatang responsable para sa pagtugon sa mga third party request kaugnay sa Iyong Data, tulad ng mula sa mga regulator, Mga User, o law enforcement agency (“Mga Third Party Request”), ngunit nauunawaan mo na, bilang pagtugon sa Third Party Request, maaaring i-disclose ng Meta ang Iyong Data para mag-comply sa legal requirements nito. Sa nasabing mga pangyayari, sa lawak na pinahihintulutan ng batas at ng mga tuntunin ng Third Party Request, kami ay gagamit ng mga makatwirang pagsusumikap para (a) abisuhan ka sa pagtanggap namin ng Third Party Request at hihilingin sa third party na kontakin ka at (b) mag-comply sa iyong mga makatwirang request kaugnay sa iyong mga pagsusumikap na tumutol sa Third Party Request na ikaw ang mananagot. Susubukan mo munang makuha ang impormasyong kinakailangan para tumugon sa Third Party Request nang mag-isa, at kokontakin lang kami kung hindi mo makatwirang makuha ang nasabing impormasyon.
  4. Pagbabayad
    1. Mga Fee. Sumasang-ayon kang bayaran ang Meta ng mga standard rate para sa Workplace (kasalukuyang available dito: https://www.workplace.com/pricing) para sa iyong paggamit ng Workplace, na sasailalim sa anumang free trial period gaya ng inilalarawan sa Seksyon 4.f (Free Trial), maliban kung pinagkasunduan sa isang pinirmahang nakasulat na dokumento. Ang lahat ng fee sa Kasunduan na ito ay babayaran nang nasa USD, maliban kung tinukoy sa produkto, o kaya ay pinagkasunduan sa isang pinirmahang nakasulat na dokumento. Aayusin ang lahat ng fee nang alinsunod sa iyong payment method alinsunod sa Seksyon 4.b. Ang anumang late na pagbabayad ay dapat sumailalim sa service charge na katumbas ng 1.5% kada buwan ng halagang dapat bayaran o ang maximum na halagang pinahihintulutan ng batas, alinman ang mas mababa.
    2. Payment Method. Kapag pumasok ka sa Kasunduan na ito, sumasang-ayon kang bayaran ang mga fee sa ilalim ng isa sa dalawang kategorya ng pagbabayad: (i) payment card customer (magbabayad man nang direkta, o sa pamamagitan ng third party payment platform), o (ii) invoiced customer, gaya ng tutukuyin sa diskresyon ng Meta. Ang mga customer ng payment card (sa sariling diskresyon ng Meta) ay nagiging mga invoiced customer (at vice versa) batay sa mga factor na tulad ng bilang ng Mga User at creditworthiness, ngunit pinapanatili ng Meat ang karapatang ire-classify ka bilang customer ng payment card o invoiced customer anumang oras.
      1. Mga Customer ng Payment Card. Ang mga customer ng payment card ay magkakaroon ng kanilang itinalagang payment card na sinisingil para sa paggamit ng Workplace.
      2. Mga Invoiced Customer. Ang mga invoiced customer ay palalawigin ng Meta ang credit line at bibigyan ng mga Invoice buwan-buwan, maliban kung pinagkasunduan sa isang pinirmahang nakasulat na dokumento. Kung ikakategorya bilang invoiced customer, babayaran mo ang lahat ng fee na dapat bayaran ayon sa Kasunduan na ito, nang buo at iki-clear ang mga fund ayon sa sasabihin namin, sa loob ng 30 araw mula sa petsa ng invoice.
      3. Pumapayag kang makuha namin ang iyong business credit report mula sa isang credit bureau sa pagtanggap nitong Kasunduan, o anumang oras pagkatapos nito.
    3. Mga Buwis. Sinasabi ang lahat ng fee hind kasama ang anumang naaangkop na mga buwis, at kailangan mong bayaran at akuin ang anumang buwis para sa pagbebenta, paggamit, GST, value-added, withholding, o mga katulad na buwis o tungkulin, kung domestic o sa ibang bansa, kaugnay sa mga transaksyon sa ilalim ng Kasunduang ito, maliban sa mga buwis na batay sa kita ng Meta. Babayaran mo ang lahat ng halagang dapat bayaran sa ilalim ng Kasunduang ito nang buo nang alang anumang set-off, counterclaim, bawas o withholding. Kung ang alinman sa pagbabayad na gagawin mo sa ilalim ng Kasunduang ito ay sasailalim sa pagbawas o withholding, ikaw ang responsable para sa paggawa ng naaangkop na pagbabayad sa naaangkop na mga taxing authority at ikaw ang magbabayad ng interes, mga penalty, fine, o mga katulad na pananagutan na magreresulta mula sa iyong kabiguang i-remit nang nasa oras ang mga nasabing buwis sa naaangkop na awtoridad o ahensiya ng pamahalaan. Kinikilala at tinatanggap mo na ina-access at ginagamit mo ang Workplace sa billing address na nakalista sa Kasunduan na ito o kaya ay ibinigay sa amin sa pamamagitan ng sulat at kung ang nasabing address ay nasa U.S., sisingilin ka namin ng mga naaangkop na sales/use tax sa U.S. sa lokasyon ng iyong billing address. Kung igiit ng taxing authority ng US state na dapat siningil ka ng Meta ng mga buwis, at binayaran mo nang direkta sa state ang mga nasabing buwis, pumapayag kang bigyan kami ng katunayan na binayaran ang nasabing buwis (para sa kasiyahan ng nasabing taxing authority) sa loob ng tatlumpung (30) araw simula sa nakasulat na request ng Meta para rito. Sumasang-ayon kang bayaran kami para sa anumang kulang na pagbabayad o hindi pagbabayad ng anumang buwis, penalty at interes.
    4. Pagsuspinde. Nang hindi nakakaapekto sa aming iba pang mga karapatan sa ilalim ng Kasunduang ito, kung hindi mo babayaran ang anumang fee sa due date nito, maaari naming suspindihin ang lahat o bahagi ng mga serbisyo ng Workplace (kasama ang access sa mga may bayad na serbisyo) hanggang sa mabayaran ito nang buo.
    5. Lilbreng Access sa Workplace for Good. Kaugnay sa Seksyon 4.a, kung mag-a-apply ka para sa libreng access sa ilalim ng Workplace for Good programme at malalaman ng Meta na kwalipikado ka nang alinsunod sa mga patakaran ng Meta (kasalukuyang binabanggit sa https://work.workplace.com/help/work/142977843114744) ibibigay namin sa iyo nang libre ang Workplace nang alinsunod sa mga nasabing patakaran sa nagpapatuloy na basehan. Kung dahil sa pagbabago sa aming mga patakaran hindi ka na magiging kwalipikado para sa libreng access, bibigyan ka ng Meta ng tatlong (3) buwang paunang abiso tungkol dito at pagkatapos ng nasabing abiso, ipapatupad ang Seksyon 4.a.
    6. Free Trial. Maaari kang alukin ng Meta sa sarili nitong diskresyon ng free trial ng Workplace para sa nakapirming panahon, ang tagal nito ay tutukuyin ng Meta sa sarili nitong diskresyon at sasabihin sa iyo sa admin panel ng iyong Workplace instance. Sa pagtatapos ng nasabing free trial, ipapatupad ang Seksyon 4.a (Mga Fee).
  5. Confidentiality
    1. Mga Obligation. Ang bawat partido ay sumasang-ayon na ang lahat ng impormasyong pang-negosyo, teknikal at pinansyal na makukuha nito (bilang “Tatanggap na Partido”) mula sa nagdi-disclose na partido kaugnay sa Kasunduan na ito (“Nagdi-disclose na Partido”) ay bumubuo sa confidential na pag-aari ng Nagdi-disclose na Partido (“Confidential na Impromasyon”), sa kondisyon na tutukuyin ito bilang confidential o proprietary sa oras ng pag-disclose o dapat makatwirang malaman ng Tatanggap na Partido na ito ay confidential o proprietary dahil sa katangian ng impormasyong dini-disclose at ang mga pangyayaring kaugnay sa pagdi-disclose. Maliban kung malinaw na pinahintulutan dito, ang Tatanggap na Partido ay (1) hindi sasabihin at hindi idi-disclose ang anumang Confidential na Impormasyon sa mga third party at (2) hindi gagamitin ang Confidential na Impormasyon para sa anumang layunin maliban sa pagtupad ng mga obligation at paggamit ng mga karapatan nito sa ilalim nitong Kasunduan na ito. Ang Tatanggap na Partido ay maaaring i-disclose ang Confidential na Impormasyon sa mga empleyado, agent, contactor at iba pang kinatawan nito na may lehitimong pangangailangan na malaman (kasama ang, para sa Meta, ang mga Affiliate nito at ang mga subcontractor na binanggit sa Seksyon 11.j), sa kondisyon na mapapailalim ang mga ito sa mga confidentiality obligation na pinoprotektahan ang Confidential na Impormasyon ng Nagdi-disclose na Partido gaya ng nakasaad sa Seksyon 5 na ito at ang Tatanggap na Partido ay mananatiling responsable para sa pag-comply ng nasabing tao sa mga tuntunin ng Seksyon 5 na ito.
    2. Mga Eksepsyon. Ang mga confidentiality obligation ng Tatanggap na Partido ay hindi naaangkop sa impormasyon na maaaring idokumento ng Tatanggap na Partido bilang: (a) may karapatan sila o alam ito bago matanggap ang Confidential na Impormasyon; (b) ay alam o nalaman ng publiko nang hindi kasalanan ng Tatanggap ng Partido; (c) nakuha bilang karapatan ng Tatanggap na Partido mula sa third party nang hindi nilalabag ang anumang confidentiality obligation; o (d) ay hiwalay na bubuuin ng mga empleyado ng Tatanggap na Partido na walang access sa nasabing impormasyon. Ang Tatanggap na Partido ay maaaring gumawa ng mga pagdi-disclose sa lawak na hinihiling ng Mga Batas o utos ng hukuman, sa kondisyon na (maliban kung ipinagbabawal ng Mga Batas) maagang aabisuhan ng Tatanggap na Partido ang Nagdi-disclose na Partido at magtutulungan sa anumang pagsusumikap na makuha ang confidential na pagtrato.
    3. Injunctive Relief. Tinatanggap ng Tatanggap na Partido na ang paggamit o pag-disclose ng Confidential na Impormasyon nang lumalabag sa Seksyon 5 na ito ay maaaring magdulot ng malaking pinsala kung saan ang mga pinsala lang ay hindi sapat para maremedyuhan, at kaya sa anumang nasabing pagbabanta o aktwal na paggamit o pag-disclose ng Tatanggap na Partido ay may karapatang humingi ng naaangkop na equitable relief bukod sa anumang iba pang remedyo na maaaring mayroon ito ayon sa batas.
  6. Intellectual Property Rights
    1. Pagmamay-ari ng Meta. Ito ay isang kasunduan para sa access sa at paggamit ng Workplace, at walang mga karapatan sa pagmamay-ari na ibinibigay sa Customer. Nananatili sa Meta at sa mga licensor nito ang lahat ng karapatan, titulo at interes (kasama ang lahat ng intellectual property rights) sa at sa Workplace, Pinagsama-samang Data, anuman at lahat ng may kaugnayan at napapailalim na teknolohiya, at anumang derivative works, mga pagbabago o mga pagpapahusay sa alinman sa mga binanggit na ginawa ng o sa ngalan ng Meta, kasama ang batay sa iyong Feedback (tinukoy sa ibaba). Walang mga karapatang ibinibigay sa iyo maliban kung malinaw na isinaad sa Kasunduan na ito.
    2. Feedback. Kung magsusumite ka ng mga komento, tanong, mungkahi, use case o iba pang feedback kaugnay sa iyong paggamit ng Workplace o sa API nito o sa aming iba pang mga produkto o serbisyo (“Feedback”), maaari naming malayang gamitin o i-exploit ang nasabing Feedback kaugnay sa alinman sa aming mga produkto o serbisyo o sa aming Mga Affiliate, nang walang obligation o kabayaran sa iyo.
  7. Pagtatatuwa ng Pananagutan
    MALINAW NA ITINATATUWA NG META ANG ANUMAN AT LAHAT NG ANUMANG URI NG WARRANTY AT REPRESENTASYON, IPINAHAYAG, IPINAHIWATIG O AYON SA BATAS, KASAMA ANG ANUMANG WARRANTY O MERCHANTIBILITY, KAANGKUPAN PARA SA PARTIKULAR NA LAYUNIN, TITULO O HINDI PAGLABAG. HINDI NAMIN GINAGARANTIYA NA HINDI MAAANTALA O NA WALANG MALI ANG WORKPLACE. MAAARI NAMING PAYAGAN ANG MGA THIRD PARTY NA BUMUO AT GAWING AVAILABLE ANG MGA SERBISYO AT APPLICATION NA KARAGDAGAN SA IYONG PAGGAMIT NG WORKPLACE O NA MAAARI NAMING PAYAGAN ANG WORKPLACE NA ISAMA SA IBA PANG MGA SERBISYO AT APPLICATION. HINDI RESPONSABLE ANG META PARA SA ANUMANG SERBISYO O APPLICATION NA PIPILIIN MONG GAMITIN KAUGNAY SA WORKPLACE. ANG IYONG PAGGAMIT NG NASABING MGA SERBISYO O APPLICATION AY SASAILALIM SA MAGKAKAHIWALAY NA TUNTUNIN AT PATAKARAN AT TINATANGGAP MO AT SUMASANG-AYON KA NA ANG ANUMANG PAGGAMIT AY IKAW ANG MANANAGOT.
  8. Mga Limitasyon ng Pananagutan
    1. MALIBAN SA MGA HINDI KASAMANG CLAIM (TINUKOY SA IBABA):
      1. WALA SA ALINMANG PARTIDO ANG MANANAGOT PARA SA ANUMANG NAWALANG KAKAYAHANG MAKAGAMIT, PAGKAWALA O HINDI TAMANG DATA, PAGKAANTALA NG NEGOSYO, MGA GASTOS DAHIL SA ANTALA O ANUMANG HINDI DIREKTA, O ANUMANG URI NG HINDI SINASADYANG MGA PINSALA (KASAMA ANG PAGKALUGI), ANUMANG PARAAN NG PAGKILOS, SA KONTRATA MAN, TORT (KASAMA ANG NEGLIGENCE), STRICT LIABILITY O IBA PA, KAHIT NA MAAGANG SINABIHAN TUNGKOL SA POSIBILIDAD NG NASABING MGA PINSALA; AT
      2. ANG BUONG PANANAGUTAN NG ALINMAN SA PARTIDO SA KABILANG PARTIDO AY HINDI LALAMPAS SA HALAGA NA AKTWAL NA BINAYARAN O BABAYARAN NG CUSTOMER SA META SA NAUNANG LABINDALAWANG (12) BUWAN SA ILALIM NG KASUNDUAN NA ITO O, KUNG WALANG BABAYARAN O MABABAYARAN NA FEE SA NASABING PANAHON, SA SAMPUNG LIBONG DOLYAR ($10,000).
    2. Para sa mga layunin ng Seksyon 8, ang “Mga Hindi Kasamang Claim” ay nangangahulugan sa: (a) pananagutan ng Customer na magreresulta sa ilalim ng Seksyon 2 (Ang Iyong Data at Iyong Mga Obligation); at (b) paglabag ng partido sa mga obligation nito sa Seksyon 5 (Confidentiality) ngunit hindi kasama ang mga claim na may kaugnayan sa Iyong Data.
    3. Mananatili ang mga limitasyon sa Seksyon 8 na ito at gagamitin kahit na ang anumang limitadong remedyo na tinukoy sa Kasunduan na ito ay malalaman na hindi nagawa ang mahalagang layunin nito, at sumasang-ayon ang mga partido na wala sa mga partido ang maglilimita o hindi isasama ang kanilang pananagutan para sa anuman na hindi maaaring malimitahan o hindi maisama ayon sa batas. Tinatanggap mo at sumasang-ayon ka na ang aming probisyon ng Workplace ay batay sa pagpapalagay na ang aming pananagutan ay limitado gaya ng nakasaad sa Kasunduan na ito.
  9. Termino at Pagtatapos
    1. Termino. Magsisimula ang Kasunduan na ito sa petsa kung kailan mo unang na-access ang iyong Workplace instance at magpapatuloy hanggang sa tapusin ayon sa pinahihintulutan dito (ang “Termino”).
    2. Kusang-loob na Pagtapos (Termination for Convenience). Hindi makakaapekto sa iyong mga karapatan sa pagtapos sa ilalim ng talata 2.d ng Addendum sa Pagpoproseso ng Data, maaari mong tapusin ang Kasunduan na ito anumang oras, nang walang dahilan o para sa anumang dahilan, kapag nagbigay ng tatlumpung (30) araw na paunang abiso sa Meta ang iyong admin na pipiliing i-delete ang iyong Workplace instance sa produkto. Maaari ring tapusin ng Meta ang Kasunduan na ito anumang oras, nang walang dahilan o para sa anumang dahilan, kapag nagbigay ng tatlumpung (30) araw na paunang abiso sa iyo.
    3. Pagtapos at Pagsuspinde ng Meta. May karapatan ang Meta na tapusin ang Kasunduan na ito nang may makatwirang abiso sa iyo o suspindihin kaagad ang iyong access sa Workplace kung lalabag ka sa Kasunduan na ito o kung ituturing namin na ang nasabing aksyon ay kinakailangan para maiwasan ang pinsala sa seguridad, katatagan, availability o integridad ng Workplace.
    4. Pag-delete ng Iyong Data. Ide-delete kaagad ng Meta ang Iyong Data pagkatapos ng anumang pagtapos sa Kasunduan na ito, ngunit nauunawaan mo na ang pag-delete ng content ay maaaring makita sa mga backup na kopya sa loob ng makatwirang panahon habang isinasagawa ang pag-delete. Gaya ng nakasaad sa Seksyon 2.e, ikaw lang ang responsable sa paggawa ng anumang back-up ng Iyong Data para sa sarili mong mga layunin.
    5. Epekto ng Pagtapos. Sa pagtapos ng Kasunduan na ito: (a) ikaw at ang iyong Mga User ay dapat agad na itigil ang paggamit ng Workplace; (b) kapag ni-request ng Nagdi-disclose na Partido, at sasailalim sa 9.d, maagap na ibabalik o ide-delete ng Tatanggap na Partido ang anumang Confidential na Impormasyon ng Nagdi-disclose na Partido na mayroon ito; (c) maagap mong babayaran ang Meta ng anumang hindi na bayarang fee na natamo bago ang pagtapos; (d) kung tatapusin ng Meta ang Kasunduan na ito nang walang dahilan nang alinsunod as Seksyon 9.b, bibigyan ka ng Meta ng refund na may katumbas na halaga sa anumang nabayarang fee (kung saan naaangkop); at (e) mananatili ang mga sumusunod na Seksyon: 1.c (Mga Paghihigpit), 2 (Paggamit ng Iyong Data at Iyong Mga Obligation) (bukod sa lisensya ng Meta sa Iyong Data sa Seksyon 2.a), 3.b (Mga Legal Disclosure at Mga Third Party Request), 4 (Pagbabayad) hanggang 12 (Mga Depinisyon). Maliban kung tinukoy sa Kasunduan na ito, ang paggamit ng anumang remedyo, kasama ang pagtapos ng alinman sa partido ay hindi makakaapekto sa anumang iba pang remedyo na maaaring mayroon ito sa ilalim nitong Kasunduan, nang ayon sa batas o iba pa.
  10. Iba Pang Mga Facebook Account
    1. Mga Personal na Account. Para linawin, ang mga User account ay iba sa anumang personal na Facebook account na maaaring gawin ng Mga User sa consumer Facebook service (“Mga Personal na FB Account”). Ang Mga Personal na FB Account ay hindi sumasailalim sa Kasunduan na ito, ngunit sa halip ay sumasailaim sa mga tuntunin ng Meta para sa mga serbisyong iyon, ang bawa’t isa ay sa pagitan ng Meta at ng kaugnay na user.
    2. Workplace at Mga Ad. Hindi kami magpapakita ng third-party advertising sa iyong Mga User sa Workplace at hindi namin gagamitin ang Iyong Data para ibigay o i-target ang pag-a-advertise sa iyong Mga User o para i-personalize ang experience ng Mga User mo sa kanilang Mga Personal na FB Account. Gayunpaman, maaaring gumawa ang Meta ng mga announcement sa produkto o sabihan ang mga system administrator ng tungkol sa mga feature, integration o functionality na kaugnay sa Workplace.
  11. Pangkalahatan
    1. Mga Pagbabago. Maaaring baguhin ng Meta ang mga tuntunin ng Kasunduan na ito at ang mga patakarang binanggit sa o isinama sa Kasunduan na ito anumang oras, kasama ang ngunit hindi limitado sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data at Addendum sa Paglipat ng Data (para mag-comply sa naaangkop na batas sa pagprotekta ng data), Addendum sa Seguridad ng Data, at Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit, sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng abiso sa email, sa pamamagitan ng serbisyo o sa iba pang makatwirang paraan (“Pagbabago”). Sa pagpapatuloy sa paggamit ng Workplace labing-apat (14) na araw magmula sa aming abiso, pinapahintulutan mo ang nasabing Pagbabago.
    2. Namamahalang Batas. Ang Kasunduan na ito, at ang paggamit mo at ng iyong Mga User sa Workplace pati rin ang anumang claim na maaaring magresulta sa pagitan mo at namin, ay pinamamahalaan ng, at dapat bigyang-kahulugan nang alinsunod sa, mga batas ng United States at sa State ng California, gaya ng naaangkop, nang hindi maaapektuhan ng kanilang mga prinsipsyo sa mga conflict of law. Ang anumang claim o cause of action na magreresulta sa o na may kaugnayan sa Kasunduan na ito o sa Workplace ay dapat simulan nang ekslusibo sa U.S. District Court for the Northern District of California o isang hukuman ng state na matatagpuan sa San Mateo County, at ang bawat partido ay pinahihintulutan ang personal na jurisdiction ng mga nasabing hukuman.
    3. Buong Kasunduan. Ang Kasunduan na ito (na kinabibilangan ng Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit) ay ang buong kasunduan sa pagitan ng mga partido kaugnay sa iyong pag-access sa at paggamit ng Workplace at papalitan ang anumang mga naunang representasyon o mga kasunduan kaugnay sa Workplace. Ang mga heading ay para lang sa kaginhawaan, at ang mga salita na katulad ng “kasama ang” ay dapat bigyang-kahulugan bilang walang limitasyon. Ang Kasunduan na ito ay nakasulat sa English (US), na mangingibabaw sa mga salungatan sa anumang nakasalin na bersyon.
    4. Waiver at Severability. Ang kabiguang ipatupad ang probisyon ay hindi ituturing na pagpapaubaya (waiver); ang mga waiver ay dapat nakasulat na pinirmahan ng partidong sinasabing nagpapaubaya. Ang anumang tuntunin o kondisyon na nasa anumang purchase order ng Customer o form ng negosyo ay hindi babaguhin ang Kasunduan na ito at sa pamamagitan nito ay malinaw na tinantanggihan, at ang anumang nasabing dokumento ay para lang sa mga pang-administratibong layunin. Kung ang alinman sa probisyon ng Kasunduan na ito ay pagpapasiyahan ng hukuman na may competent jurisdiction bilang hindi maaaring ma-enforce, invalid o kaya ay salungat sa batas, ang nasabing probisyon ay bibigyang-kahulugan para magawa nang pinakamabuti ang mga nilalayon nitong layunin at ang mga natitirang probisyon ng Kasunduan na ito ay mananatiling may bisa at ipapatupad.
    5. Publicity. Ang anumang press release o marketing campaign tungkol sa kaugnayan ng mga partido ay nangangailangan ng paunang nakasulat na pag-apruba ng parehong partido. Kaugnay sa nabanggit: (a) sa sarili mong kumpanya, maaari mong i-publicize o i-promote ang paggamit ng Workplace sa panahon ng Termino (hal., para i-encourage ang paggamit ng User), na sasailaim sa mga alituntunin sa paggamit ng brand ng Meta na ibinibigay paminsan-minsan, at (b) maaaring banggitin ng Meta ang iyong pangalan at status bilang customer ng Workplace.
    6. Pagtatalaga. Wala sa mga partido ang maaaring magtalaga ng Kasunduan na ito o ang mga karapatan o obligation nito sa ilalim ng Kasunduan na ito nang walang paunang nakasulat na pahintulot ng kabilang partido, maliban sa maaaring italaga ng Meta ang Kasunduan na ito nang walang pahintulot sa alinman sa Mga Affiliate nito o nang may kaugnayan sa merger, pagbabago ng organization, acquisition, o iba pang paglipat ng lahat o karamihan sa lahat ng asset nito o mga voting security. Sasailalim sa nabanggit, paiiralin at ipapatupad ang Kasunduan na ito para sa kapakinabangan ng mga pinahihintulutang successor at mga itinalaga ng bawat partido. Ang mga pagtatalaga na hindi pinahihintulutan ay ipinawawalang-bisa at hindi gagawa ng mga obligation sa Meta.
    7. Independent Contractor. Ang mga partido ay mga independent contractor. Walang mabubuong agency, partnersihp, joint venture, o trabaho bilang resulta ng Kasunduan na ito at wala sa mga partido ang may awtoridad na i-bind ang bawa’t isa.
    8. Walang Mga Third Party Beneficiary. Ang Kasunduan na ito ay napapakinabangan ng Meta at Customer at walang nilalayon na mga third party beneficiary, kasama ang sinumang Mga User.
    9. Mga Abiso. Kapag tatapusin mo ang Kasunduan na ito alinsunod sa Seksyon 9.b, dapat mong abisuhan ang Meta sa pamamagitan ng iyong system administrator na pipiliing i-delete ang iyong Workplace instance sa produkto. Ang anumang iba pang abiso sa ilalim ng Kasunduang ito ay dapat nakasulat, ipadala sa Meta sa sumusunod na address (gaya ng naaangkop): kung sa Meta Platforms Ireland Ltd, sa 4 Grand Canal Square, Dublin 2, Ireland, Attn: Legal at, kung sa Meta Platforms Inc, sa 1 Hacker Way, Menlo Park, CA 94025 USA, Attn: Legal. Maaaring magpadala ang Meta ng mga abiso sa email address sa account ng Customer. Maaari rin magbigay ang Meta ng mga abiso tungkol sa operation kaugnay sa Workplace o iba pang abiso na may kaugnayan sa negosyo sa pamamagitan ng mga message sa Mga User sa Workplace o nakikitang post sa Workplace.
    10. Mga Subcontractor. Maaaring gamitin ng Meta ang mga subcontractor at payagan ang mga ito na gamitin ang mga karapatan ng Meta sa ilalim ng Kasunduan na ito, ngunit mananatiling responsable ang Meta sa pag-comply ng sinumang nasabing subcontractor sa Kasunduan na ito.
    11. Hindi Inaasahang Pangyayari. Wala sa alinman sa mga partido ang mananagot para sa anumang delay o hindi pagtupad ng anumang obligation sa ilalim ng Kasunduan na ito (maliban para sa kabiguang magbayad ng fees) kung ang delay o kabiguan ay dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari na mangyayari pagkatapos pirmahan ang Kasunduan na ito at na wala sa makatwirang kontrol ng nasabing partido, tulad ng strike, blockade, digmaan, gawa ng terorismo, riot, natural na sakuna, kabiguan o pagkabawas sa kapangyarihan o mga telekomunikasyon o mga data network o mga serbisyo, o pagtangging mabigyan ng lisensya o awtorisasyon ng ahensiya o entity ng pamahalaan.
    12. Mga Third Party na Website. Maaaring may kasamang mga link sa mga third-party na website ang Workplace. Hindi ito nagpapahiwatig ng aming pag-endorse ng anumang website at hindi kami responsable para sa mga aksyon, content, impormasyon, o data ng mga third-party na website o aksyon o anumang link na nakapaloob sa mga ito, o anumang mga pagbabago o update sa mga ito. Ang mga thir-party na website ay maaaring magbigay ng sarili nilang mga tuntunin at kondisyon sa paggamit at mga patakaran sa privacy na naaangkop sa iyo at sa iyong Mga User at ang paggamit mo ng nasabing mga third-party na website ay hindi sakop ng Kasunduan na ito.
    13. Mga Pagkontrol sa Pag-export at Mga Trade Sanction. Sa paggamit ng Workplace, sumasang-ayon ang Customer na sumunod sa lahat ng naaangkop na mga batas at regulasyon ng United States sa pag-export at pag-import at ng iba pang naaangkop na mga jurisdiction, pati rin ang anumang naaangkop ng mga sanction o trade restriction. Nang hindi nililimitahan sa nabanggit, kinakatawan at ginagarantiya ng Customer na: (a) ito ay hindi nakalista sa anumang listahan ng pamahalaan ng U.S. ng mga ipinagbabawal o pinaghihigpitang partido; (b) hindi ito sumasailalim as anuman o iba pang naaangkop na mga economic sanction o mga trade restriction ng UN, U.S., EU; at (c) wala itong mga operation o Mga User sa bansa na sumasailalim sa mga comprehensive na U.S. trade sanction.
    14. Mga Kondisyon sa Paggamit ng Entity ng Pamahalaan. Kung ikaw ay isang Entity ng Pamahalaan, kinakatawan mo na: (i) walang naaangkop na batas, patakaran, o prinsipyo na naglilimita sa iyo mula sa pagsang-ayon at pagsasagawa, o pagtanggap ng pagsasagawa ng, anumang tuntunin o kondisyon ng Kasunduan na ito, (ii) walang naaangkop na batas, patakaran, o prinsipyo na nagbibigay ng anumang tuntunin o kondisyon ng Kasunduan na ito na hindi maaaaring ma-enforce laban sa iyo o sa anumang naaangkop na Entity ng Pamahalaan, (iii) ikaw ay awtorisado na, at may legal capacity sa ilalim ng mga naaangkop na batas, patakaran at mga prinsipyo na katawanin at i-bind ang anumang naaangkop na Entity ng Pamahalaan sa Kasunduan na ito; at (iv) pumapasok ka sa Kasunduan na ito batay sa walang kinikilingang desisyon kaugnay sa halaga ng Workplace sa iyo at sa iyong Mga User at walang hindi tamang asal o magkasalungat na interes na nakaimpluwensiya sa iyong desisyon na pumasok sa Kasunduan na ito. Huwag pumasok sa Kasunduan na ito kung hindi mo magagawa ang mga representasyon na nasa Seksyon 11.n na ito. Kung papasok ang Entity ng Pamahalaan sa Kasunduan na ito nang lumalabag sa Seksyon 11.n na ito, maaaring piliin ng Meta na tapusin ang Kasunduan na ito.
    15. Mga Reseller. Maaari mong piliing i-access at gamitin ang Workplace sa pamamagitan ng isang Reseller. Kung ia-access at gagamitin mo ang Workplace sa pamamagitan ng isang Reseller, ikaw lang ang responsable para sa: (i) anumang may kaugnayang karapatan at obligation sa iyong naaangkop na kasunduan sa iyong Reseller, at (ii) sa pagitan mo at ng Meta, ang anumang access ng Reseller sa iyong Workplace instance, Iyong Data, at anumang mga User account na gagawin mo para sa iyong Reseller. Dagdag pa rito, kung ia-access at gagamitin mo ang Workplace sa pamamagitan ng isang Reseller, sumasang-ayon ka na dapat mangibabaw ang Mga Tuntunin ng Reseller Customer sa anumang sumasalungat na mga tuntunin sa Kasunduan na ito.
  12. Mga Depinisyon
    Sa Kasunduan na ito, maliban kung isinaad:
    Ang "Patakaran sa Katanggap-tanggap na Paggamit" ay nangangahulugan sa mga panuntunan para sa paggamit ng Workplace na makikita sa www.workplace.com/legal/FB_Work_AUP, gaya ng maaaring baguhin paminsan-minsan.
    Ang "Affiliate" ay nangangahulugan sa entity na direkta o hindi direktang nagmamay-ari o kumokontrol, ay pagmamay-ari o kinokontrol ng o ay nasa ilalim ng common ownership o kontrol ng isang partido, kung saan ang “kontrol” ay nangangahulugan sa kapangyarihan na pangasiwaan ang pamamahala o mga kaugnayan ng isang entity, at ang “pagmamay-ari” ay nangangahulugan sa may pakinabang na pagmamay-ari ng 50% (o, kung hindi pinapayagan ng naaangkop na jurisdiction ang pagmamay-ari ng nakakarami, ang maximum na dami na pinahihintulutan ng nasabing batas) o higit pa sa mga voting equity security o katumbas na mga interes sa pagboto ng entity. Para sa mga layunin ng depinisyon na ito, ang isang Entity ng Pamahalaan ay hindi affiliate ng isa pang Entity ng Pamahalaan maliban kung kinokontrol nito nang buo ang nasabing isa pang Entity ng Pamahalaan.
    Ang “Addendum sa Pagpoproseso ng Data” ay nangangahulugan sa addendum sa pagpoproseso ng data na naka-attach sa, at bumubuo sa bahagi ng Kasunduan na ito, kasama ang anumang tuntunin na binanggit dito.
    Ang “Addendum sa Seguridad ng Data” ay nangangahulugan sa addendum sa seguridad ng data na naka-attach, at bumubuo sa bahagi ng Kasunduan na ito.
    Ang "Entity ng Pamahalaan" ay nangangahulugan sa anumang bansa o jurisdiction sa mundo, kasama ang ngunit walang limitasyon sa anumang pang-state, lokal, munisipal, rehiyonal, o iba pang unit o pampulitikang subdivision ng pamahalaan, anumang organisasyon ng pamahalaan, intstrumentality, enterprise, o iba pang entity na naitatag, pagmamay-ari ng o kontrolado ng nasabing pamahalaan, at sinumang kinatawan o agent ng alinman sa nabanggit.
    Ang "Mga Batas" ay nangangahulugan sa lahat ng naaangkop na lokal, pang-state, pederal at internasyonal na mga batas, regulasyon at convention, kasama ang, ngunit walang limitasyon sa mga may kaugnayang privacy sa data at paglipat ng data, mga internasyonal na komunikasyon, ang pag-export ng teknikal o personal na data, at public procurement.
    Ang "Reseller" ay nangangahulugan sa anumang third party partner na may valid na kasunduan sa Meta na nagpapahintulot sa kanilang i-resell at pangasiwaan ang access sa Workplace.
    Ang "Mga Tuntunin ng Reseller Customer" ay nangangahulyugan sa mga tuntunin na makikita sa https://www.workplace.com/legal/FB_Work_ResellerCustomerTerms, gaya ng maaaring i-update paminsan-minsan, at bumubuong bahagi ng Kasunduan na ito, at bilang karagdagang mga tuntunin sa pagitan ng mga partido na naaangkop sa iyo, kung ia-access at gagamitin mo ang Workplace sa pamamagitan ng Reseller.
    Ang "Mga User" ay nangangahulugan sa alinman sa mga empleyado, contractor o iba pang indibiduwal na sa iyo o sa iyong Mga Affiliate na pinahihintulutan mong maka-access sa Workplace.
    Ang "Workplace" ay nangangahulugan sa serbisyo ng Workplace na ginagawa naming available sa iyo sa ilalim ng Kasunduan na ito, at ang anumang mga kasunod na bersyon nito, kasama ang anumang website, app, mga serbisyo sa online, mga tool, at content na maaari naming ibigay sa iyo sa ilalim ng Kasunduan na ito, gaya ng maaaring baguhin paminsan-minsan.
    Ang "Iyong Data" ay nangangahulugan sa (a) anumang impormasyon para sa pakikipag-ugnayan o data ng network o pagre-register ng account na isa-submit mo o ng iyong Mga User sa Workplace; (b) anumang content o data na ipa-publish, ipo-post, isi-share, ii-import o ibibigay mo o ng iyong Mga User sa Workplace; (c) impormasyon na kinokolekta namin kapag kinokontak o nakikipag-ugnayan ka o ang iyong Mga User sa amin para humingi ng suporta tungkol sa Workplace, kasama ang impormasyon tungkol sa hardware, software, at iba pang mga detalye na nakalap kaugnay sa support incident; at (d) anumang paggamit ng impormasyon kaugnay sa paggana (hal., mga IP address, browser at mga uri ng operating system, at mga device identifier) kaugnay sa kung paano nakikipag-interact ang Mga User sa Workplace.
    Ang "Iyong Mga Patakaran" ay nangangahulugan sa alinman sa iyong naaangkop na empleyado, mga system, privacy, HR, complaint o iba pang mga patakaran.







Addendum sa Pagpoproseso ng Data

  1. Mga Kahulugan
    Sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data na ito, ang “GDPR” ay nangangahulugan sa General Data Protection Regulation (Regulation (EU) 2016/679), at ang “Controller”, “Data Processor”, “Data Subject”, “Personal na Data”, “Personal Data Breach” at “Pagpoproseso” ay dapat magkaroon ng mga magkaparehong kahulugan gaya ng tinukoy sa GDPR. Ang “Naproseso” at “Proseso” ay dapat bigyang-kahulugan nang alinsunod sa depinisyon ng “Pagpoproseso”. Kasama sa mga pagbanggit ng GDPR at mga probisyon nito ang GDPR gaya ng binago at isinama sa batas ng UK. Ang lahat ng iba pang tinukoy na salita dito ay dapat magkaroon ng mga magkaparehong kahulugan gaya ng tinukoy sa ibang lugar sa Kasunduan na ito.
  2. Pagpoproseso ng Data
    1. Sa pagsasagawa ng mga aktibidad nito bilang Processor sa ilalim nitong Kasunduan kaugnay sa anumang Personal na Data sa Iyong Data (“Ang Iyong Personal na Data”), kinukumpirma ng Meta na:
      1. ang haba, paksa, katangian at layunin ng Pagpoproseso ay dapat ayon sa tinukoy sa Kasunduan;
      2. ang mga uri ng Personal na Data na Naproseso ay dapat kasama ang mga tinukoy sa depinisyon ng Iyong Data;
      3. kasama sa mga kategorya ng Mga Data Subject ang iyong mga kinatawan, Mga User at sinumang iba pang mga indibiduwal na tinukoy o matutukoy ng Iyong Personal na Data; at
      4. ang iyong mga obligation at mga karapatan bilang Data Controller kaugnay sa Iyong Personal na Data ay nakasaad sa Kasunduan na ito.
    2. Sa lawak na Ipoproseso ng Meta ang Iyong Personal na Data sa ilalim ng o nang may kaugnayan sa Kasunduan, ang Meta ay dapat:
      1. iproseso lang ang Iyong Personal na Data nang alinsunod sa iyong mga sinabi gaya ng nakasaad sa Kasunduan na ito, kasama ang kaugnay sa paglipat ng Iyong Personal na Data, na sasailalim sa anumang mga eksepsyon na pinahihintulutan ng Artikulo 28(3)(a) ng GDPR;
      2. tiyakin na ang mga empleyado nito na awtorisadong Iproseso ang Iyong Personal na Data sa ilalim ng Kasunduang ito ay ipinangako ang kanilang mga sarili sa confidentiality o ay nasa ilalim ng naaangkop na statutory obligation ng confidentiality kaugnay sa Iyong Personal na Data;
      3. mag-implement ng mga teknikal at pang-organisasyon na hakbang na nakasaad sa Addendum sa Seguridad ng Data;
      4. igalang ang mga kondisyon na tinukoy sa ibaba sa Seksyon 2.c at 2.d ng Addendum sa Pagpoproseso ng Data na ito kapag nagtatalaga ng mga sub-Processor;
      5. tulungan ka sa pamamagitan ng mga naaangkop na teknikal at pang-organisasyong mga hakbang, sa abot ng makakaya nito sa pamamagitan ng Workplace, para maisakatuparan mo ang iyong mga obligation na tumugon sa mga request para sa paggamit ng mga karapatan ng Data Subject sa ilalim ng Kabanata III ng GDPR;
      6. tulungan ka sa pagtiyak sa pag-comply sa iyong mga obligation alinsunod sa Artikulo 32 hanggang 36 ng GDPR, isinasaalang-alang ang katangian ng Pagpoproseso at ang impormasyong available sa Meta
      7. sa pagtatapos ng Kasunduan, i-delete ang Personal na Data alinsunod sa Kasunduan, maliban kung hinihiling ng batas ng European Union o Member State na huwag alisin ang Personal na Data;
      8. gawing available sa iyo ang impormasyong inilarawan sa Kasunduan na ito at sa pamamagitan ng Workplace nang tinutugunan ang obligation ng Meta na gawing available ang lahat ng impormasyon na kinakailangan para maipakita ang pag-comply sa mga obligatoin ng Meta sa ilalim ng Artikulo 28 ng GDPR; at
      9. taun-taon, kukuha ng third party auditor na pipiliin ng Meta para magsagawa ng SOC 2 Type II o iba pang pamantayan ng industriya sa pag-audit ng mga kontrol ng Meta kaugnay sa Workplace, tulad ng third party auditor na ikaw ang nag-uutos. Kapag hiniling mo, bibigyan ka ng Meta ng kopya ng kasalukuyang audit report at ang nasabing report ay ituturing na Confidential na Impormasyon ng Meta.
    3. Pinahihintulutan mo ang Meta na i-subcontract ang mga obligation nito sa Pagpoproseso ng Data sa ilalim ng Kasunduan na ito sa Mga Affiliate ng Meta, at sa iba pang mga third party, bibigyan ka ng Meta ng listahan nito kapag hiniling mo ito sa pamamagitan ng sulat. Dapat lang itong gawin ng Meta bilang paraan ng nakasulat na kasunduan sa nasabing sub-Processor na nagpapatupad ng parehong mga obligation sa pagprotekta ng data sa sub-Processor gaya ng ipinapatupad sa Meta sa ilalim ng Kasunduan na ito. Kung hindi matutupad ng sub-Processor ang mga nasabing obligation, mananatiling ganap na mananagot sa iyo ang Meta para sa pagsasagawa ng mga obligation sa pagprotekta ng data ng sub-Processor na iyon.
    4. Kung magsasama ng karagdagan o kapalit na (mga) sub-Processor, dapat sabihin sa iyo ng Meta ang nasabing karagdagan o pagpapalit ng (mga) sub-Processor nang hindi lalampas sa labing-apat (14) na araw bago ang pagtatalaga ng nasabing karagdagan o kapalit na (mga) sub-Processor. Maaari kang tumutol sa pakikibahagi ng nasabing karagdagan o kapalit na (mga) sub-Processor sa loob ng labing-apat (14) na araw matapos masabihan ng Meta sa pamamagitan ng pagtapos kaagad sa Kasunduan nang magbibigay ng nakasulat na abiso sa Meta.
    5. Dapat kang abisuhan ng Meta nang walang hindi makatwirang pagkaantala kapag nalaman ang tungkol sa Personal Data Breach kaugnay sa Iyong Personal na Data. Dapat kasama sa nasabing abiso, sa oras ng pag-aabiso o pagkatapos kaagad magbigay ng abiso, ang mga nauugnay na detalye ng Personal Data Breach kung saan maaari, kasama ang bilang ng iyong mga rekord na naapektuhan, ang kategorya at humigit-kumulang na bilang ng mga apektadong User, mga inaasahang kahihinatnan ng breach at ang anumang aktwal o iminumungkahing remedyo, kung saan naaangkop, para mapigilan ang mga posibleng hindi magandang epekto ng breach.
    6. Sa lawak na naaangkop ang GDPR o ang mga batas sa pagprotekta sa data sa EEA, UK o Switzerland sa Pagpoproseso ng Iyong Data sa ilalim ng Addendum sa Pagpoproseso ng Data na ito, naaangkop ang Addendum sa European Data Transfer sa mga paglipat ng data ng Meta Platforms Ireland Ltd at bumubuo sa bahagi ng, at isinasama bilang reference sa Addendum sa Pagpoproseso ng Data na ito.
  3. Mga Tuntunin ng Processor ng USA
    1. Sa lawak na ang Mga Tuntunin ng Processor ng USA ay naaangkop na magiging bahagi ng, at isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit sa Kasunduang ito, sine-save para sa Seksyon 3 (Mga Obligasyon ng Kumpanya) na hayagang hindi isinama.









Addendum sa Seguridad ng Data

  1. Background at Layunin
    Inilalarawan ng dokumentong ito ang mga minimum na requirements sa seguridad na naaangkop sa pagbibigay ng Workplace sa iyo ng Meta.
  2. Information Security Management System
    Ang Meta ay nagtatag at magpapanatili ng Information Security Management System (ISMS) na dinisenyo para i-implement ang mga kasanayan sa seguridad ng impormasyon ayon sa pamantayan ng industriya na naaangkop sa pagbibigay nitong Workplace. Dinisenyo ang ISMS ng Meta para magbigay ng proteksyon laban sa hindi awtorisadong pag-access, pag-disclose, paggamit, pagkawala o pagbago ng Iyong Data.
  3. Proseso ng Pamamahala sa Panganib
    Ang seguridad ng impormasyon at mga pasilidad sa pagpoproseso ng impormasyon, kasama ang IT infrastructure at mga aktwal na pasilidad, ay dapat batay sa pagsusuri ng panganib. Regular na isasagawa ang pagsusuri ng panganib ng Workplace.
  4. Pag-aayos ng Seguridad ng Impormasyon
    Nagtalaga ang Meta ng Security officer na may pangkalahatang responsibiliad para sa seguridad ng organisasyon. Nagtalaga ang Meta ng mga tauhan na responsable sa pangangasiwa ng seguridad ng iyong Workplace instance.
  5. Pisikal at Pangkapaligirang Seguridad
    Dapat kasama sa mga hakbang na panseguridad ng Meta ang mga kontrol na dinisenyo para magbigay ng makatwirang pagtiyak na ang access sa mga aktwal na pasilidad na nagpoproseso ay limitado sa mga awtorisadong tao at na nagtatag ng mga pangkapaligirang kontrol para makita, mapigilan, at makontrol ang pagsira dahil sa panganib sa kapaligiran. Kasama sa mga kontrol ang:
    Kasama sa mga kontrol ang:
    • Pag-log at pag-audit ng lahat ng pisikal na access sa pasilidad na nagpoproseso ng data ng mga empleyado at mga contactor;
    • Mga camera surveillance system sa mahahalagang pasukan papunta sa pasilidad na nagpoproseso ng data;
    • Mga system na sumusubaybay at kumokontrol sa temperatura at humidity para sa computer equipment; at
    • Power supply at mga backup na generator.
    Dapat mag-implement ang Meta ng mga pamamaraan ayon sa pamantayan ng industriya para sa ligtas na pag-delete at pag-alis ng data sa electronic media, na sasailalim sa Kasunduan.
  6. Pagbubukod
    Magtatatag ang Meta ng mga teknikal na mekanismo na dinisenyo para matiyak na ang Iyong Data ay ibubukod sa logical na paraan mula sa data ng iba pang mga customer at available lang ang Iyong Data sa mga awtorisadong user.
  7. Mga Tauhan
    1. Training
      Dapat tiyakin ng Meta na sasailalim sa security training ang lahat ng empleyado na may access sa Iyong Data.
    2. Screening at Mga Background Check
      Ang Meta ay dapat:
      • Magkaroon ng proseso para ma-verify ang identity ng mga tauhang nagtatrabaho sa iyong instance ng Workplace.
      • Magkaroon ng proseso para magsagawa ng mga background check sa mga tauhang nagtatrabaho sa iyong instance ng Workplace nang alinsunod sa mga pamantayan ng Meta.
      Dapat magbigay ang Meta ng mga personal na ID card na may litrato at nakasulat na pangalan sa lahat ng tauhang nagtatrabaho sa iyong instance ng Workplace. Dapat humingi ng mga ID card sa pagpasok sa lahat ng pasilidad ng Meta.
    3. Personnel Security Breach
      Gagawa ang Meta ng mga sanction para sa hindi awtorisado o hindi pinapayagang pag-access sa Iyong Data ng tauhan ng Meta, kasama ang mga pagpaparusa na hahantong sa at kasama ang pagpapaalis sa trabaho.
  8. Pag-test ng Seguridad
    Dapat gumawa ang Meta ng mga regular na security at vulnerability testing para ma-assess kung nai-implement nang tama at kung mabisa ang mga mahalagang kontrol.
  9. Kontrol sa Access
    1. Pamamahala ng Password ng User
      Ang Meta ay dapat may naitatag na proseso para sa Pamamahala ng Password ng User, na dinisenyo para tiyakin na personal at hindi maa-access ng mga hindi awtorisadong tao ang mga password, kasama ang hindi limitado sa:
      • Password provisioning, kasama ang pag-verify sa identity ng user bago ang bago, kapalit o pansamantalang password.
      • Pag-encrypt sa lahat ng password kapag ini-store sa mga computer system o habang ipinapadala sa network.
      • Pagbago sa lahat ng default na password mula sa mga vendor.
      • Matitibay na password na kaugnay sa kanilang nilalayon na paggamit.
      • Pagpapaalam sa user.
    2. Pamamahala sa Access ng User
      Mag-iimplement ang Meta ng proseso para sa pagbago at / o pagbawi ng mga access rights at mga user ID, nang walang hindi makatwirang pagkaantala. Ang Meta ay dapat magkaroon ng mga pamamaraan para sa pag-report at pagbawi ng nakompromisong mga access credential (mga password, token, atbp.) nang 24/7. Dapat mag-implement ang Meta ng mga naaangkop na security log kasama ang userid at timestamp. Dapat naka-synchronize sa NTP ang orasan.
      Dapat i-log ang mga sumusunod na minimum na pangyayari:
      • Mga Pagbabago sa Awtorisasyon;
      • Nabigo at nagtagumpay na pag-authenticate at mga pagsubok na ma-access; at
      • Mga operation sa pagbabasa at pagsulat.
  10. Seguridad ng mga Komunikasyon
    1. Network Security
      Dapat gumamit ang Meta ng teknolohiya na alinsunod sa mga pamantayan ng industriya para sa network segregation.
      Ang remote network access ay dapat mangailangan ng naka-encrypt na komunikasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga secured na protokol, at paggamit ng multi-factor authentication.
    2. Pagprotekta ng Data Habang Hinahatid
      Ipapatupad ng Meta ang paggamit ng mga naaangkop na protokol na dinisenyo para maprotektahan ang confidentiality ng data habang hinahatid sa mga public network.
  11. Seguridad sa Operation
    Ang Meta ay gagawa at magpapanatili ng vulnerability management program para sa Workplace na kinabibilangan ng pagtukoy sa mga tungkulin at responsibilidad, dedicated ownership ng pagsubaybay sa vulnerability, vulnerability risk assessment at patch deployment.
  12. Pamamahala ng Security Incident
    Ang Meta ay dapat magtatag at magpanatili ng security incident respons plan para sa pagsubaybay, pag-detect at pamamahala ng mga posibleng security incident na nakakaapekto sa iyong instance ng Workplace. Dapat kasama man lang sa security incident response plan ang pagtukoy sa mga tungkulin at responsibilidad, komunikasyon at mga review pagkatapos, kasama ang root cause analysis at mga remediation plan.
    Susubaybayan ng Meta ang Workplace para sa anumang mga security breach at malicious activity. Ang proseso ng pagsubaybay at mga paraan ng pag-detect ay dapat dinisenyo para makita ang mga security incident na nakakaapekto sa iyong instance ng Workplace alinsunod sa mga kaugnay na panganib at patuloy na panganib sa intelligence.
  13. Pagpapatuloy ng Negosyo
    Dapat magpanatili ang Meta ng business continuity plan para sa pagtugon sa emergency o iba pang mga kritikal na sitwasyon na maaaring makasira sa iyong instance ng Workplace. Dapat pormal na suriin ng Meta ang business continuity plan nito nang kahit isang beses sa isang taon.
Huling in-update noong: 27 Marso 2023