Patakaran sa Privacy ng Workplace Marketing
Magsisimula sa Oktubre 10, 2023
TALAAN NG MGA NILALAMAN
- Legal na impormasyon
- Impormasyon na kinokolekta namin
- Paano namin pinoproseso ang iyong impormasyon
- Impormasyon na ibinabahagi namin
- Paano mo gagamitin ang iyong mga karapatan
- Pagpapanatili ng iyong impormasyon
- Ang aming pangdaigdigang operation
- Ang aming mga legal na batayan para sa pagproseso
- Mga update sa Patakaran sa Privacy
- Sino ang responsable para sa iyong impormasyon
- Kontakin Kami
1. Legal na Impormasyon
Ang patakaran sa privacy na ito (“Patakaran sa Privacy”) ay ipinaliliwanag ang aming data practices kaugnay sa provision ng aming mga Website, kasama ang workplace.com (“Mga Site”) (hiwalay mula sa Workplace Services), at ang aming marketing at feedback batay sa mga aktibidad (sama-sama “Mga Aktibidad”). Sa Patakaran sa Privacy na ito, inilalarawan namin ang impormasyon na kinokolekta namin tungkol sa iyo kaugnay sa aming mga Site at Aktibidad. Ipinapaliwanag namin kung paano namin pinoproseso at ibinabahagi ang impormasyong ito at kung paano mo gagamitin ang mga karapatan na mayroon ka.
Ang “Meta”, “kami”, “amin” o “kami” ay nangangahulugan na responsable ang Meta entity para sa pangongolekta ng personal na data sa ilalim ng Patakaran sa Privacy gaya ng nakatakda sa “Sino ang responsable para sa iyong impormasyon”.
Mga Serbisyo sa Workplace: Ang Patakaran sa Privacy na ito ay hindi naaangkop sa iyong paggamit ng online na produkto ng Workplace na ibinibigay namin sa aming mga customer, kung saan pinapayagan ang mga user na makipag-collaborate at magbahagi ng impormasyon sa trabaho, kasama ang produkto, mga app at kaugnay na mga serbisyo sa online ng Workplace (kasama ang "Workplace Services"). Ang iyong paggamit ng Workplace Services ay pinamamahalaan ng “Patakaran sa Privacy ng Workplace” na makikita rito.
2. Impormasyon na kinokolekta namin
Kinokolekta namin ang mga sumusunod ng impormasyon tungkol sa iyo.
Ang Iyong Impormasyon para Makontak Kinokolekta namin ang iyong email address at pangunahing impormasyon tulad ng pangalan mo, posisyon sa trabaho. pangalan ng organisasyon at numero ng telepono kapag ikaw ay, halimbawa, mag-request ng impormasyon kaugnay sa aming mga produkto, kasama ang Workplace, mag-download ng mga resource, mag-sign up para sa mga marketing material, mag-request ng free trial o dumalo sa isa ng aming mga event o convention. Kung hindi mo kami bibigyan ng impormasyong ito, hindi ka makakagawa ng account para simulan ang iyong libreng Workplace trial, halimbawa. Kung administrator ka ng account ng iyong organisasyon, kinokolekta namin ang iyong impormasyon para makontak noong pinahintulutan mo na makatanggap ng elektronikong pakikipag-usap na kaugnay sa marketing mula sa amin.
Impormasyon na Ibinibigay Mo Sa Amin. Kapag kokontakin kami, maaari mo kaming bigyan ng ibang impormasyon. Ang uri ng impormasyon ay depende sa bakit kinontak mo kami. Halimbawa, kung may isyu na kaugnay sa iyong paggamit ng aming mga Site, maaari mo kaming bigyan ng impormasyon na itinuturing mong nakakatulong para ayusin ang isyu, kasama ang mga detalye sa kung paano ka kokontakin (hal., email address). Halimbawa, maaari kang magpadala sa amin ng email na may impormasyon na kaugnay sa aming performance ng Site o iba pang isyu. Katulad din nito, kung hihingi ka sa amin ng impormasyon tungkol sa Workplace Services, halimbawa, maaaring sabihin mo sa amin kung saan ka nagtatrabaho o iba pang impormasyon para tulungan kaming sumagot sa tanong mo.
Impormasyon tungkol sa Survey at Feedback. Kumukuha rin kamin ng impormasyon sa iyo noong lumahok bilang opsyon sa isa sa aming mga survey o feedback panel. Halimbawa, nakikipagtulungan kami sa mga service provider ng third-party na nagsasagawa ng survey at feedback panel para sa amin, tulad ng pagho-host ng komunidad ng mga customer ng Workplace na piniling maging bahai ng feedback panel. Ang mga kumpanyang ito ay nagbibigay sa amin ng impormasyon na kinokolekta nila na tungkol sa iyo sa ilang sitwasyon, kasama ang edad mo, kasarian, email, mga detalye tungkol sa iyong tungkulin sa negosyo at mga paraan na ginagamit mo ang aming mg produkto, at ang ibinibigay mong feedback,
Impormasyon sa Paggamit at Pag-log. Kinokolekta namin ang impormasyon tungkol sa aktibidad mo sa aming mga Site, tulad ng kaugnay sa serbisyo, diagnostic, at impormasyon tungkol sa performance. Kasama rito ang impormasyon na tungkol sa iyong aktibidad (kasama ang kung paano mo ginagamit ang aming Site, at ang oras, dalas, at tagal ng mga aktibidad mo), mga log file, at diagnostic, crash, website, at mga log at report ng perfromance.
Impormasyon ng Device At Koneskyon. Kumokolekta kami ng impormasyon ng device at partikular sa koneksyon kapag i-access at gamitin ang aming mga Site. Kasama rito ang impormasyon tulad ng hardware model, impormasyon ng operating system, level ng baterya, lakas ng signal, bersyonn ng app, impormasyon tungkol sa browser, mobile network, impormasyon ng koneksyon (kasama ang numero ng telepono, mobile operator o ISP), wika at time zone, IP address, impormasyon ng pag-operate ng device at mga identifier (kasama ang mga identifier na kakaiba sa Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta na nauugnay sa parehong device o account).
Cookies. Gumagamit ng cookies ang aming mga Site. Ang cookie ay isang maliit na elemento ng data na ipinapadala ng aming Site sa browser ng user, kung saan maaaring i-store sa hard drive ng user para makilala ang computer o device ng user kapag bumalik ang mga ito, Gumagamit din kami ng ibang mga teknolohiya na may katulad na function. Maaari mong alamin pa kung paano namin ginagamit ang cookies at mga katulad na teknolohiya sa aming Workplace Site sa aming Patakaran sa Cookies.
Impormasyon ng Third Party. Kung saan nakikipagtulungan kami sa mga service provider ng third-party at mga partner para tulungan kaming mag-operate, magbigay, pahusayin, maintindihan, i-customise, at suportahan ang aming mga Site o Aktibidad, kinokolekta namin ang impomasyon mula mga ito tungkol sa iyo.
Mga Kumpanya ng Meta. Kinokolekta namin ang impormasyon mula sa infrastructure, mga system at teknolohiya na ibinabagi sa iba pang Mga Kumpanya ng Meta sa mga partikular na sitwasyon. Pinoproseso rin namin ang impormasyon tungkol sa iyo sa Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta at sa iyong mga device ayon sa mga tuntunin at patakaran ng bawat produkto at gaya nang pinahihintulutan ng naaangkop na batas.
Ang nakolektang impormasyon kapag ginagamit mo ang Workplace Services ay sasailalim sa Patakaran sa Privacy ng Workplace na pinamamahalaan kung paano pinoproseso ang iyong impormasyon kapag gamitin mo ang Workplace Services.
3. Paano namin pinoproseso ang iyong impormasyon
Ginagamit namin ang impormasyong mayroon kami (sasailalim sa mga mapagpipiliin na gagawin mo at naaangkop na batas) para mag-operate, magbigay, pagandahin, maintindihan, i-customise, at suportahan ang aming mga Site at Aktibidad.
Magbigay, pagandahin, at buuin ang aming Site at Mga Aktibidad.
Sinusuri namin ang iyong impormasyon para magbigay, pagandahin at buuin ang aming Site at Mga Aktibidad. Kasama rito ang pagpapahintulot sa iyo na gamitin at i-navigate ang aming mga Site, kontakin kami para sa higit pang impormasyon, ma-access ang mga karagdagang resource at mag-sign up para sa mga free trial. Ginagamit din namin ang iyong impormasyon para gawin ang aming mga marketing activity ayon sa Patakaran sa Privacy na ito. Ginagamit din namin ang iyong impormasyon para magbigay, pagandahin at bumuo ng mga survey at/o mga feedback panel na sinalihan mo.
Maintindihan Kung Ano ang Gusto ng Mga Customer.
Isinasaalang-alang at sinusuri namin ang impormasyon at feedback mo kung lalahok ka sa isang feedback panel o iba pang feedback na pag-aaral (tulad ng kung saan, halimbawa, sumusubok ka nga mga bagong konsepto at i-preview ang mga feature ng Workplace). Ginagawa namin ito para maintindihan kung ano ang gusto ng mga customer, halimbawa, ipaalam kung babaguhin o magpakilala ng mga bagong feature ng Workplace at iba pang produkto at serbisyo at makakuha ng ibang insight. Ang nakuhang impormasyon mula sa iyong paglahok sa feedback panel o iba pang pag-aaral tungkol sa feedback ay pagsasama-samahin at gagamitin sa inalisan ng pagkakikilanlan na paraan at kung ginagamit ang isang quotation o saloobin sa report sa feedback o mga insight, hindi iuugnay ang report na ito sa iyo nang personal
Makipag-ugnayan sa iyo.
Ginagamit namin ang impormasyon na mayroon kami para magpadala sa iyo ng mga marketing communication, makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa aming mga Site at Mga Aktibidad, at sabihin sa iyo ang tungkol sa aming mga patakaran at tuntunin kung saan naaangkop. Ginagamit rin namin ang iyong impormasyon para tumugon sa iyo kapag kinontak mo kami.
Magbigay, i-personalise, sukatin at pagandanin ang aming marketing at pag-a-advertise.
Maaari naming gamitin ang impormasyon mo para sa mga tina-target na ad, kasama ang sa pamamagitan ng mga network ng first party at third party at para sa paggawa ng mga katulad na audience, mga custom na audience at measurement sa mga ad network ng first at third party.
I-promote ang kaligtasan, integridad at security.
Sinusuri namin ang impormasyon ng iyong device at koneksyon para matukoy at maimbestigahan ang mga pattern ng mga kahina-hinalang gawi.
Pinapangalagaan at ibinabahagi namin ang impormasyon sa iba kasama ang nagpapatupad ng batas at tumugon sa mga legal na request.
Pinoproseso namin ang iyong impormasyon kapag sumusunod kami sa legal obligation kasama ang, halimbawa, para ma-access, mapangalagaan o ma-disclose ang ilang impormasyon kung may valid na legal na request mula sa isang regulator, nagpapatupad ng batas o iba pa. Kasama rito ang pagtugon sa mga legal na request kung saan hindi kami hinihimok ng naaangkop na batas pero may mabuting hangarin na hinihiling ng batas sa may kaugnayang hurisdiksyon o pagbabahagi ng impormasyon sa nagpapatupad ng batas o mga partner sa industriya para labanan ang mapang-abuso o ilegal na gawi. Halimbawa, pinapangalagaan namin ang snapshot ng impormasyon ng user kapag hiniling ng nagpapatupad ng batas kung saan kinakailangan para sa imbestigasyon. Pinapangalagaan at ibinabahagi namin ang impormasyon kapag humihingi kami ng legal na payo o naghahanap para protektahan ang aming sarili sa konteksto ng litigasyon at iba pang dispute. Kasama rito ang mga bagay tulad ng mga paglabag ng aming mga tuntunin at patakaran. Sa ilang sitwasyon, ang hindi pagbigay sa amin ng iyong personal na impormasyon kapag hiniling ng batas ay maaaring magdulot sa iyo at sa Meta na lumabag sa naaangkop na batas.
4. Impormasyon na ibinabahagi namin
Hinihiling namin sa mga partner at third party na sundin ang mga rule sa kung paano nila magagamit at hindi magagamit at i-disclose ang impormasyong ibinibigay namin. Narito ang karagdagang detalye tungkol sa kung kanino namin ibinabahagi ang impormasyon:
Mga Third Party Partner at Service Provider: Nakikipagtulungan kami sa mga third-party at service provider ng third-party para tulungan kaming isagawa ang aming mga Site at Aktibidad. Depende sa kung paano sila sumusuporta o nakikipagtulungan sa amin, kapag nagbabahagi kami ng impormasyon sa mga service provider ng third-party sa kapasidad na ito, hinihiling namin sa kanila ng gamitin ang iyong impormasyon sa ngalan namin ayon sa aming instruksyon at tuntunin. Nakikipagtulungan kami iba’t ibang uri ng mga partner at service provider, na sumusuporta sa amin sa marketing, analytics, survey, feedback panel, at pagpapaganda ng mga produkto at serbisyo.
Mga Kumpanya ng Meta: Nagbabahagi kami ng impormasyong kinokolekta namin kaugnay sa aming mga Aktibidad o sa pamamagitan ng aming mga Site, imprastraktura, mga system at teknolohiya sa ibang Mga Kumpanya ng Meta. Tinutulungan kami ng pagbabahagi para i-promote ang kaligtasan, seguridad at integridad; i-personalise ang mga offer at ad; sumunod sa mga naaangkop na batas; bumuo at magbigay ng mg feature at integration; at maintindihan kung paano ginagamit at nakikipag-interact sa Mga Produkto ng Kumpanya ng Meta.
Legal at Pagsunod: Maaari naming i-access, pangalagaan, gamitin at ibahagi ang impormasyon mo (i) bilang pagtugon sa mga legal na request, tulad ng mga search warrant, utos ng hukuman, production order o subpena. Ang mga request na ito ay mula sa mga third party tulad ng mga civil litigant, nagpapatupad ng batas, at iba pang mga awtoridad ng gobyerno Maaari rin namin ibahagi ang iyong impormasyon sa ibang organisasyon, kasama ang ibang kumpanya ng Meta o mga third party, na tumutulong sa amin sa pag-iimbestiga at pagtugon sa mga nasabing request, (ii) ayon sa naaangkop na batas, at (iii) para i-promote ang kaligtasan, seguridad at integridad ng Mga Produkto ng Meta, mga user, empleyado, property at ang publiko. Kasama rito ang mga layunin ng pag-iimbestiga ng paglabag ng isang kasunduan, mga paglabag ng aming mga tuntunin o patakaran o hindi pinapayagan ng batas o pagtukoy, pagtugon o pag-iwas ng fraud. Maaari ring i-disclose ang iyong personal na impormasyon kung saan kinakailangan para sa pagbuo, paggamit o pagtatanggol sa sarili ng mga legal claim at para imbestigahan o iwasan ang aktwal o hinihinalang kawalan o pagkalugi o pinsala sa mga tao o property.
Pagbebenta ng Negosyo: At kung ibebenta o ita-transfer namin ang lahat o bahagi ng aming negosyo sa ibang tao, maaari naming ibigay sa bagong may-ari ang iyong impormasyon bilang bahagi ng transaction na iyon, alinsunod sa naaangkop na batas.
5. Paano mo gagamitin ang iyong mga karapatan
Mayroon kang mga karapatan kaugnay sa iyong personal na impormasyon, depende sa naaangkop na batas at kung saan ka nakatira. Habang ang ilan sa mga karapatang ito ay naaangkop sa pangkalahatan, ang ilang karapatan ay naaangkop lang sa mga limitadong kaso o sa ilang hurisdiksyon. Magagamit ang iyong mga karapatan sa pagkontak sa amin dito.
- Karapatan na ma-access/malaman - May karapatan kang mag-request ng access sa impormasyon mo at mabigyan ng kopya ng ilang impormasyon kasama ang mga kategorya ng iyong personal na impormasyon na kinokolekta namin, ginagamit at dini-disclose at impormasyon tungkol sa aming data practices.
- Karapatan sa pagwawasto - May karapatan kang mag-request na iwasto namin ang hindi tamang personal na impormasyon tungkol sa iyo.
- Karapatanng burahin/para mag-request ng pag-delete - Mayroon kang karapatan, sa ilang pangyayari, para-request na i-delete ang iyong personal na impormasyon, basta’t mayroong valid na basehan para sa paggawa nito at sasailalim sa naaangkop na batas.
- Karapatan sa data portability - Mayroon kang karapatan na makatanggap, sa ilang pangyayari, ang iyong impormasyon ay nasa structured, karaniwang ginagamit at nababasa na machine na format at para mag-transmit ng nasabing impormasyon sa isa pang controller.
- Karapatang tumutol/mag-opt out (marketing) - Mayroon kang karapatang tumutol sa pagproseso para sa direct marketing, profiling at automated na paggawa ng desisyon anumang oras. Kung gagamitin mo ang iyong impormasyon para sa direct marketing, maaari kang tumutuol at mag-opt out sa mga direct marketing message sa hinaharap gamit ang link sa pag-unsubscribe sa mga nasabing pakikipag-ugnayan.
- Karapatang tumutol - Mayroon kang karapatang tumutol at i-restrict ang ilang proseso ng iyong impormasyon. Maaari kang tumutol sa aming pagpoproseso ng iyong impormasyon kapag umasa kami sa mga lehitimong interes o magsagawa ng task para sa kapakanan ng publiko. Isasaalang-alang namin ang ilang kadahilanan kapag mag-a-assess ng pagtutol, kabilang ang: Maliban kung malaman namin na mayroon kaming matibay na mga lehitimong dahilan para sa pagpoproseso na ito, kung saan hindi nalalampasan ng iyong mga interes o pangunahing mga karapatan o kalayaan, o ang pagproseso ay kinakailangan para sa mga legal na dahilan, ang iyong pagtutol ay susuportahan, at ititigil namin ang pagproseso ng iyong impormasyon. Maaari mong gamitin pa ang link na "mag-unsubscribe" sa aming mga marketing communication para pigilan kami mula sa paggamit ng iyong impormasyon para sa direct marketing.
- Ang iyong mga makatuwirang inaasahan
- Ang mga benepisyo at panganib sa iyo, sa amin, sa ibang user o sa mga third party
- Iba pang available na mga paraan para makamit ang parehong layunin na maaaring hindi gaanong agresibo at hindi nangangailangan ng hindi magkatimbang na pagsisikap
- Karapatan na i-wthdraw ang iyong pahintulot - Kung saan hiningi namin ang iyong pahintulot para sa ilang aktibidad sa pagproseso, mayroon kang karapatang i-withdraw ang pahintulot na iyon anumang oras. Pakitandaan na ang pagiging naaayon sa batas ng anumang ginawang pagproseso bago sa iyong pag-withdraw ng pahintulot ay hindi maaapektuhan ng pag-withdraw.
- Karapatan na magreklamoMaaari kang maghain ng rekamo sa iyong lokal na supervisory authority. Ang lead supervisory authority ng Meta Platforms Ireland Limited ay ang Irish Data Protection Commission.
- Karapatan sa walang diskriminasyon: Hindi ka namin didiskriminahin dahil sa paggamit ng alinman sa mga karapatang ito.
Pakitandaan na para maprotektahan ang iyong impormasyon at ang integridad ng aming Marketing Services, maaaring kailanganin naming i-verify ang iyong identity bago iproseso ang iyong request. Sa ilang sitwasyon, maaaring kailanganin naming mangolekta ng karagdagang impormasyon para i-verify ang iyong identity, tulad ng ID na ibinigay ng gobyerno sa ilang nasasakupan. Sa ilalim ng batas, maaari mong gamitin ang mga karapatang ito sa iyong sarili o maaari kang magtalaga ng na-authorize na agent para gawin ang mga request na ito para sa iyo.
Brazilian General Data Protection Law
Naaangkop ang seksyong ito sa mga aktibidad ng pagpoproseso ng personal na impormasyon sa ilalim ng batas ng Brazil at pandagdag sa Patakaran sa Privacy na ito.
Sa ilalim ng Brazilian General Data Protection Law (ang “LGPD”), mayroon kang karapatan na i-access, itama, i-port, burahin, at i-confirm na pinoproseso namin ang iyong data. Sa ilang pangyayari, mayroon ka ring karapatan na tutulan at limitahan ang pagproseso ng iyong personal na impormasyon, o maaari mong i-withdraw ang pahintulot mo kapag iproseso namin ang data na ibinibigay mo sa amin batay sa iyong pahintulot. Nagbibigay ang Patakaran sa Privacy na ito ng impormasyon tungkol sa kung paano namin ibinabahagi ang data sa mga third party. Para mag-request ng higit pang information tungkol sa aming mga kasanayan sa data, mag-click dito.
Mayroon ka ring karapatan na i-petition ang Brazilian Data Protection Authority sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa DPA.
6. Pagpapanatili ng iyong impormasyon
Pananatilihin lang namin ang iyong personal na impormasyon basta’t kinakailangan para sa mga layunin na naka-set sa Patakaran sa Privacy na ito. Pananatilihin ng Meta ang iyong impormasyon na kinokolekta namin kapag lumahok ka feedback panel o mga pag-aaral sa feedback para sa tagal ng proyekto at para sa nasabing panahon pagkatapos nito gaya nang kinakailangan para magsagawa ng mga pagsusuri, tumugon sa peer review o kung hindi i-verify ang feedback. Pananatilihin ng Meta at gagamitin ang iyong personal na impormasyon sa hanggang sa kinakailangan para sumunod sa aming mga legal obligation (halimbawa, kung kailangan naming panatilihin ang iyong personal na impormasyon para sumunod sa naaangkop na batas), para lutasin ang mga dispute at para ipatupad an aming mga tuntunin Kung lumipas na ang mga timeline sa pagpapanatili at wala na kaming karagdagang na partikular na dahilan para panatilihin ang personal na impormasyon na iyon, ide-delete ang may kaugnayang personal na impormasyon..
7. Ang aming pangdaigdigang operation
Ibinabahagi namin ang impormasyong kinokolekta namin sa buong mundo, sa loob ng lahat ng aming office at data center, at kung sa labas kasama ang aming mga vendor, service provider, at third party Dahil pandaigdigan ang Meta, na may mga customer at empleyado sa buong mundo, ang mga pag-transfer ay kinakailangan para sa iba’t ibang dahilan, kasama ang:
- Para magawa naming patakbuhin at ibigay ang mga serbisyo na nakasaad sa mga tuntunin ng patakaran sa Privacy na ito.
- Para maayos, masuri at mapaganda namin ang aming mga produkto ayon sa Patakaran sa Privay na ito
Saan tina-transfer ang impormasyon?
Ang iyong impormasyon ay ita-transfer o ita-transmit sa, o ii-store at ipoproseso sa:
- Mga lugar na mayroon kaming infrastructure o mga data center, kasama ang United States, Ireland, Denmark, at Sweden, at iba pa
- Mga bansa kung saan available ang Workplace
- Iba pang mga bansa kung saan matatagpuan ang aming mga vendor, service provider, at third party sa labas ng bansa kung saan ka nakatira, para sa mga layunin na inilarawan sa Patakaran sa Privacy na ito
Paano namin iniingatan ang iyong impormasyon?
Umaasa kami sa mga naaangkop na mekanismo para sa mga international na paglilipat ng data.
Mga mekanismong ginagamit namin para sa mga pandaigdigang pagta-transfer ng data
Umaasa kami sa mga naaangkop na mekanismo para sa mga international na pagta-transfer. Halimbawa, para sa mga impormasyong kinokolekta namin:
European Economic Area
- Umaasa kami sa mga desisyon mula sa European Comission kung saan kinikilala nila na ang ilang bansa at teritoryo sa labas ng European Economic Area ay tinitiyak ang sapat na level ng proteksyon para sa personal na data. Ang mga desisyong ito ay tinutukoy bilang “adequacy decisions.” Sa partikular, inililipat namin ang impormasyon na kinoklekta namin mula sa European Economic Area hanggang sa Argentina, Israel, New Zealand, Switzerland, the UK at, kung saan naaangkop ang desisyon, Canada, batay sa may kaugnayang adequecy decision. Alamin pa tungkol sa sapat na desisyon para sa bawat bansa. Pinapatunayan ng Meta Platforms, Inc. ang paglahok nito sa EU-U.S. Data Privacy Framework. Umaasa kami sa EU-U.S. Data Privacy Framework, at ang kaugnay na sapat na desisyon ng European Commission, para sa mga paglilipat ng impormasyon para sa mga produkto at serbisyo na tinukoy sa certification na iyon. Para sa higit pang impormasyon, pakisuri ang Data Privacy Framework Disclosure ng Meta Platforms, Inc..
- Sa ibang mga sitwasyon, umaasa kami sa mga karaniwang contractual clause na inaprubahan ng European Commission (at ang katumbas na mga karaniwang contractual clause para sa UK, kung saan naaangkop) o sa mga ibinigay na derogation para sa naaangkop na batas para ilipat ang impormasyon sa isang third country.
- Bukod dito, mangyaring suriin ang mga karagdagang hakbang na ginagawa namin para ilipat ang nang secure ang impormasyon.
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa mga internasyonal na pag-transfer ng data at sa mga karaniwang contractual clause, maaari mong kontakin kami.
Korea
Alamin pa ang tungkol sa mga karapatan sa privacy na magagamit mo, mga detalye tungkol sa mga third party kung kanino namin ibinabahagi ang iyong impormasyon, at iba pang bagay sa pamamagitan ng pagbabasa ng aming Notice tungkol sa Privacy sa Korea.
ROW:
- Sa ibang mga sitwasyon, umaasa kami sa mga karaniwang contractual clause na inaprubahan ng European Commission (at ang katumbas na mga karaniwang contractual clause para sa UK, kung saan naaangkop) o sa mga ibinigay na derogation para sa naaangkop na batas para ilipat ang impormasyon sa isang third country.
- Umaasa kami sa mga pagpapasya mula sa European Commission, at mula sa iba pang may kaugnayang awtoridad, tungkol sa kung ang ibang mga bansa ay mayroong sapat na mga antas ng proteksyon sa data.
- Gumagamit kami ng mga katumbas na mekanismo sa ilalim ng mga naaangkop na batas na naaangkop sa mga pag-transfer ng data sa United States at sa iba pang mga may kaugnayang bansa.
Sinisiguro rin namin na ang mga naaangkop na pag-iingat ay ginagawa sa tuwing tina-transfer namin ang iyong impormasyon. Halimbawa, ini-encrypt namin ang iyong impormasyon kapag nasa transit ito gamit ang mga pampublikong network para protektahan ito mula sa walang pahintulot na pag-access.
8. Ang Aming Mga Legal na Batayan para sa Pagproseso
Sa ilalim ng ilang naaangkop na batas sa proteksyon ng data, kailangang mayroong legal na batayan ang mga kumpanya para iproseso ang personal na data. Kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa “pagproseso ng personal na data,” ibig sabihin namin ay ang mga paraan namin ng pagkolekta, paggamit, at pagbahagi ng iyong impormasyon, gaya ng inilarawan namin sa ibang mga seksyon ng Patakaran sa Privacy na ito sa itaas.
Ano ang aming legal na batayan?
Depende sa iyong hurisdiksyon at ang iyong sitwasyon, umaasa kami sa iba’t ibang legal na batayan para iproseso ang iyong impormasyon para sa mga layuning inilarawan sa Patakaran sa Privacy na ito. Umaasa rin kami sa iba’t ibang legal na batayan kapag pinoproseso ang iyong parehong impormasyon para sa iba’t ibang layunin. Sa ilang hurisdiksyon, umaasa pangunahing umaasa kami sa iyong pahintulot para i-proseso ang iyong personal na impormasyon. Sa ibang hurisdiksyon, kasama ang European Region, aasa kami sa mga legal na batayan sa ibaba. Para sa bawat legal na batayan sa ibaba, inilalarawan namin kung bakit namin pinoproseso ang iyong impormasyon.
Mga lehitimong Interes
Umaasa kami sa aming mga lehitimong interes o ang mga lehitimong interes ng third party, na hindi mas mabigat sa mga interes mo o mga pangunahing karapatan at kalayaan (“mga lehitimong interes”):
Bakit at paano namin pinoproseso ang iyong impormasyon | Mga inasahang lehitimong Interes | Mga Ginagamit na Kategorya ng Impormasyon |
---|---|---|
Para magbigay, pagandahin at buuin ang aming Site at Mga Aktibidad, kami ay: Sinusuri namin ang iyong impormasyon at paano mo ginagamit ang aming Site at ginagamit at nakikipag-ugnayan sa aming Mga Aktibidad. | Nasa interes namin na maintindihan ang aming aktibidad ng Site at para i-monitor at pagandahin ang aming Site. Nasa interes namin na magbigay ng Marketing at Mga Feedback Aktibidad, para maintindihan kung paano mo ginagamit ang mga ito. at bumuo at pagandahin ang mga ito. |
|
Para maintindihan kung ano ang gusto ng mga user, kami ay: Nagbibigay ng aming mga Aktibidad, kasama ang pagsusuri ng iyong impormasyon at feedback kung lalahok ka sa isang feedback panel at iba pang pag-aaral ng feedback kung saan, halimbawa, susubukan mo ang mga bagong konsepto at i-preview ang mga feature ng Workplace, halimbawa. Ang nakuhang impormasyon mula sa iyong paglahok sa feedback panel o iba pang pag-aaral tungkol sa feedback ay pagsasama-samahin at gagamitin sa inalisin ng pagkakikilanlan na paraan at kung ginagamit ang isang quotation o saloobin sa report sa feedback o mga insight, hindi iuugnay ang report na ito sa iyo nang personal | Nasa aming interes at sa interes ng mga customer na malaman kung anog ang gusto ng mga customer at gamitin ito para ipaalam kung babaguhin o magpakilala ng mga bagong feature ng Workplace at iba pang produkto at serbisyo at makakuha ng ibang insight. |
|
Para makipag-usap sa iyo at para padalhan ka ng mga marketing communication (kung saan hindi nakabatay ang mga ito sa pahintulot). Kung magsa-sign up ka para makatanggap ng mga email marketing communication tulad ng mga newsletter, pwede kang mag-unsubscribe anumang oras sa pamamagitan ng pag-click sa link na “mag-unsubscribe” na kasama sa ibaba ng bawat email. Nakikipag-communicate kami sa iyo tungkol sa aming Mga Aktibidad at ang iyong mga patakaran at/o mga tuntunin kung saan may kaugnayan. Sasagutin din ka namin kapag kokontakin mo kami. | Nasa interes namin na padalhan ka ng mga direct marketing communication para i-market ang mga produkto at bigyan ka ng impormasyon sa bago o in-update na mga produkto ng interes. Nasa interes namin na makipag-communicate sa iyo tungkol sa aming Mga Aktibidad. Nasa interes namin at ang iyong interes na gamitin ang iyong impormasyon para sumagot sa iyo kapag kokontakin mo kami. |
|
Para magbigay, i-personalise, sukatin at pagandahin ang aming marketing at pag-a-advertise, ginagamit: namin ang iyong impormasyon para sa mga tina-target na ad, kasama ang sa pamamagitan ng mga network ng first party at third party at para sa paggawa ng mga katulad na audience, mga custom na audience at measurement sa mga ad network ng first at third party. | Nasa interes namin na gumawa ng marketing at pag-a-advertise na mga aktibidad. |
|
Para i-promote ang kaligtasan, integridad at seguridad, sinusuri namin ang impormasyon ng iyong device at koneksyon para matukoy at maimbestigahan ang mga pattern ng mga kahina-hinalang gawi. | Nasa aming interes at sa interes ng mga user ng aming mga Site at participant sa aming Markekting at Mga Feedback Activity para i-secure ang mga kaugnay na system at labanan ang spam, pagbabanta, pang-aabuso, o mga aktibidad sa paglabag at i-promote ang kaligtasan at seguridad sa mga Site at Mga Aktibidad. |
|
Pinangangalagaan namin at ibinabahagi sa iba ang impormasyon kasama ang pagpapatupad ng batas at para tumugon sa mga legal na request. Kasama rito ang pagtugon sa mga legal na request kung saan hindi kami hinihimok ng naaangkop na batas pero may mabuting hangarin na hinihiling ng batas sa may kaugnayang hurisdiksyon o pagbabahagi ng impormasyon sa nagpapatupad ng batas o mga partner sa industriya para labanan ang mapang-abuso o ilegal na gawi. Halimbawa, pinapangalagaan namin ang snapshot ng impormasyon ng user kapag hiniling ng nagpapatupad ng batas kung saan kinakailangan para sa imbestigasyon. | Nasa interes namin at sa interes ng aming mga user na iwasan at tugunan ang fraud, walang pahintulot na paggamit ng aming mga Site o Mga Aktibidad, mga paglabag ng aming mga tuntunin at patakaran, o iba pang nakakapinsala o iligal na aktibidad, Nasa interes namin na protektahan ang aming mga sarili (kasama ang aming mga karapatan, kawani, property at mga produkto), ang aming mga user o iba pa, kasama ang pagiging bahagi ng mga imbestigasyon o mga pagtatanong ng regulasyon; o para maiwasan ang pagkamatay o napipintong pinsala sa katawan. Ang may kaugnayang nagpapatupad ng batas, gobyerno, mga awtoridad at mga partner sa industriya ay mayroong lehitimong interes sa pag-imbestiga at paglaban sa mapang-abuso o iligal na gawi. |
|
Pinapangalagaan at ibinabahagi namin ang impormasyon kapag humihingi kami ng legal na payo o naghahanap para protektahan ang aming sarili sa konteksto ng litigasyon at iba pang dispute. Kasama rito ang mga bagay tulad ng mga paglabag ng aming mga tuntunin at patakaran, kung saan naaangkop. | Nasa interes namin at sa interes ng aming mga user na tumugon sa mga reklamo, iwasan at tugunan ang fraud, walang pahintulot na paggamit ng aming mga Site at Mga Aktibidad, mga paglabag ng naaangkop na mga tuntunin at patakaran namin kung saan naaangkop, o iba pang nakakapinsala o iligal na aktibidad. Nasa interes namin na humingi ng legal na payo at protektahan ang aming mga sarili (kasama ang aming mga karapatan, kawani, property o mga produkto), ang aming mga user o iba pa, kasama ang bilang bahagi ng mga imbestigasyon o mga pagtatanong sa regulasyon at litigasyon o iba pang dispute. |
|
Ang Iyong Pahintulot
Pinoproseso namin ang impormasyon para sa mga layuning inilarawan sa ibaba noong ibinigay mo sa amin ang pahintulot mo. Naka-set sa ibaba ang mga kategorya ng impormasyon na ginamit at bakit at paano ito pinoproseso:
Pinoproseso namin ang impormasyon para sa mga layuning inilarawan sa ibaba noong ibinigay mo sa amin ang pahintulot mo. Naka-set sa ibaba ang mga kategorya ng impormasyon na ginamit at bakit at paano ito pinoproseso:
Bakit At Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Impormasyon | Mga Ginagamit na Kategorya ng Impormasyon |
---|---|
Para padalhan ka ng mga marketing communication (kung saan nakabatay sa iyong pahintulot). Kapag pinoproseso namin ang iyong impormasyon batay sa iyong pahintulot, mayroon kang karapatan na i-withdraw ang pahintulot mo anumang oras nang hindi naaapektuhan ang pagiging naaayon sa batas ng pagpopproseso batay sa nasabing pahintulot bago na-withdraw ang pahintulot sa pamamagitan ng pagkontak sa amin gamit ang impormasyon para makontak na naka-set sa ibaba. Pwede kang mag-unsubscribe mula sa mga email marketing communication anumang oras sa pag-click sa link ng “mga unsubscribe” at ibaba ng bawat email. |
|
Pagsunod Sa Legal Obligation
Pinoproseso namin ang impormasyon para sumunod sa legal obligation kasama ang, halimbawa, para ma-access, mapangalagaan o ma-disclose ang ilang impormasyon kung may valid na legal na request.
Pinoproseso namin ang impormasyon para sumunod sa legal obligation kasama ang, halimbawa, para ma-access, mapangalagaan o ma-disclose ang ilang impormasyon kung may valid na legal na request.
Bakit At Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Impormasyon | Mga Ginagamit na Kategorya ng Impormasyon |
---|---|
Para sa pagproseso ng impormasyon kapag sumusunod kami sa legal obligation kasama ang, halimbawa, para ma-access, mapangalagaan o ma-disclose ang ilang impormasyon kung may valid na legal na request mula sa isang regulator, nagpapatupad ng batas o iba pa. Halimbawa, ang search warrant o production order mula sa nagpapatupad ng batas sa Ireland para magbigay ng impormasyon kaugnay sa isang imbestigasyon tulad ng iyong IP address. |
|
Proteksyon Ng Iyong Mahahalagnag Interes O Ibang Tao
Pinoproseso namin ang impormasyon kapag nangangailangan ng proteksyon ang mamahalagang interes ng isang tao.
Pinoproseso namin ang impormasyon kapag nangangailangan ng proteksyon ang mamahalagang interes ng isang tao.
Bakit At Paano Namin Pinoproseso ang Iyong Impormasyon | Mga Ginagamit na Kategorya ng Impormasyon |
---|---|
Ibinabahagi namin ang impormasyon sa nagappatupad ng batas at iba pa, sa ilang sitwasyon kung saan nangangailangan ng proteksyon ang mahahalagang interes ng isang tao, tulad ng kung magkaroon ng mga emergency. Kasama sa mahahalagang interes na ito ang proteksyon ng iyong o buhay mo ibang tao, pisikal o kalusugan ng isip, kapakanan o ng iba. |
|
9. Mga update sa Patakaran sa Privacy
Maaari naming baguhin o i-update ang aming Patakaran sa Privacy paminsan-minsan. Ipo-post namin ang bagong Patakaran sa Privacy, ia-update ang petsa ng “Huling Binago” at itaas at gumawa ng iba pang step na hinihiling ng naaangkop na batas. Pakibasa ang aming Patakaran sa Privacy paminsan-minsan.
10. Sino ang responsable para sa iyong impormasyon
Maaari naming baguhin o i-update ang aming Patakaran sa Privacy paminsan-minsan. Ipo-post namin ang bagong Patakaran sa Privacy, ia-update ang petsa ng “Huling Binago” at itaas at gumawa ng iba pang step na hinihiling ng naaangkop na batas. Pakibasa ang aming Patakaran sa Privacy paminsan-minsan.
Kung nakatira sa isang bansa o teritoryo sa “European Region” (kung saan kasama ang mga bansa sa European Union at iba pa: Andorra, Austria, Azores, Belgium, Bulgaria, Canary Islands, Channel Islands, Croatia, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, French Guiana, Germany, Gibraltar, Greece, Guadeloupe, Hungary, Iceland, Ireland, Isle of Man, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Madeira, Malta, Martinique, Mayotte, Monaco, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Republic of Cyprus, Réunion, Romania, San Marino, Saint-Martin, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, Switzerland, United Kingdom, mga sovereign base ng United Kingdom sa Cyprus (Akrotiri at Dhekelia), at Vatican City) or dili kaya nakatira sa labas ng US o Canada ang data controller na responsable sa iyong impormasyon ay Meta Platforms Ireland Limited.
Kung nakatira ka sa US o Canada ang responsableng entity para sa iyong impormasyon ay ang Meta Platforms Inc.
11. Kontakin Kami
Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Patakaran sa Privacy na ito o may mga tanong, reklamo, o request tungkol sa iyong personal na impormasyon at aming mga patakaran sa privacy at mga kasanayan, maaari mo kaming kontakin. Makokontak mo kami sa email sa workplace.team@fb.com o sa pamamagitan ng sulat sa:
US & Canada:
Meta Platforms, Inc.
ATTN: Privacy Operations
1601 Willow Road
Menlo Park, CA 94025
Rest of World (kasama ang European Region):
ng Meta Platforms Ireland Limited
Merrion Road
Dublin 4
D04 X2K5
Ireland
Maaari mong kontakin ang Data Protection Officer para sa Meta Platforms Ireland Limited dito.